logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • January 25, 2025

    Aries

    Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para magbago ng isip. Tingnan mo muna mabuti kung ano ang magiging reaksiyon nila. Minsan, mas ok na hindi mo na sbihin kung ano ang talagang nangyari, para lang sa peace of mind mo.

    TAURUS

    Tama na ang kalungkutan. Mag move on na para malaman kung ano ang next step. Hindi maghihintay sayo ang mundo.

    GEMINI

    Kahit sinong tao ay talagang mag aalala sa ginawa mo. Dapat kumonsulta ka muna sa iyong pamilya para hindi mapahamak. Huwag mag desisyon sa mga bagay nang mag isa kung ito ay tungkol sa pera.

    CANCER

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi. Importante na open ang inyong communication.

    LEO

    Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi na maibabalik ang tiwala sa iyo. Mas mabuting humanap ka na lang ng ibang makakaintindi sa sitwasyon mo.

    VIRGO

    Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

    LIBRA

    Sa pagkain, hinay hinay lang. May lalabas na sintomas ngayong buwan, kailangan mo na magpa check up.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis.

    CAPRICORN

    Mahirap kausapin ang taong sarado ang isip. Ituon na lang ang iyong oras sa sarili para mapabuti pa ang buhay mo. Hindi mo naman siya kailangan sa buhay kung tutuusin.

    AQUARIUS

    Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito.

    PISCES

    Mas masaya kung ishare mo sa iba ang natanggap na blessing. Kahit kaunti lang ito, iba ang mararamdaman nilang kasiyahan kapag ikaw ang nagbigay.


  • January 13, 2025

    Aries

    Hindi na mawawala ang sakit pero kailangan mo mag move-on. Ang mga natitirang araw sa buwan na ito ay hindi man maganda pero sa susunod na maga araw ay magiging ok na.

    TAURUS

    Hindi mo na mapipigilan ang mga pangyayari. Talagang nakatakda na ito. Kung anuman ang magiging problema, wag ka mag-alala, nandyan ang pamilya mo. Ito talaga ang pagsubok na nakalaan sayo pero malalampasan mo rin yan. Be strong.

    GEMINI

    Simula ngayon, pwede ka nang mag-ipon kahit paunti-unti. Ang savings mo ay hindi na sapat sa iyong karamdaman. Huwag aasa sa iba dahil hindi ka naman nila matutulungan.

    CANCER

    Masakit man isipin pero talagang hindi tutulong sayo ang mga kamag anak mo. Sa ganitong sitwasyon, mas mabuti pang lumapit ka na lang sa ibang tao para matapos ang problema mo.

    LEO

    Hindi naman kailangan ng sobrang luho. Kahit simple lang pwede ka na mag-celebrate. Unahin mo ang pamilya kaysa sa ibang tao. Hindi mo ikabubuti ang ilan mong kaibigan, hihilahin ka nila pababa.

    VIRGO

    Paano uusad ang buhay mo kung palagi ka na lang nakikipag argumento. Matuto na makinig sa iba para malaman ang kanilang opinyon. Huwag masyadong mayabang.

    LIBRA

    Sa darating na mga araw, lalo mo makikilala ang ugali niya. Mahirap man tanggapin pero ito ang tunay na kulay niya. Mas mabuting lumayo ka na para hindi kayo magkaroon ng argumento.

    SCORPIO

    Mawawala ang mahalagang bagay sa iyo. Hindi ito madaling palitan at mahirap din ibalik. Ingatan ang iyong mga gamit dahil may nagkaka-ineres.

    SAGITTARIUS

    Linisin mo ang kwarto para makita ang nawawalang gamit. Nasa mga sulok lang ito at matagal nang hindi nasisinagan ng araw. Matutuwa ka sa mga mangyayari simula sa tanghali.

    CAPRICORN

    Pwede kang kumain ng marami pero kailagan mong ingatan ang kalusugan. Magpa check up na para hindi lumala ang sakit.

    AQUARIUS

    Madilim ang araw pero may tutulong sayo. Ang mga nawawalang bagay ay mahahanap pero may kapalit ang mga ito. Huwag makipag away sa magulang, sila ang tutulong sa mga nawawalang bagay.

    PISCES

    Isipin mo na lang na mas mabuting hindi na kayo nag-uusap. Walang samaan ng loob at walang kailangan patunayan. Humanap ng ibang kaibigan.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook