TAURUS
Huwag mong hayaan na sirain nila ang plano mo. Mas mabuti na ikaw mismo ang makatapos ng iyong problema kaysa magkaroon ka pa ng utang na loob.
GEMINI
Alam mo na ikaw ang dahilan kung bakit naging magulo ang pamilya ninyo. Sana makahingi ka ng patawad para mas gumaan ang loob mo. Lucky number: 3
CANCER
Mas mabuting huwag ka na magsalita. Ikaw rin ang magpapahamak sa sarili mo.
LEO
Ito ang buhay na ginusto mo kaya huwag kang magreklamo. Mas mabuting ituon ang iyong pansin sa mga bagay na magbibigay sayo ng pera. Kaysa mag mukmok ka at magsisi. Lucky number: 8
VIRGO
Ang cellphone mo ang magbibigay sa iyo ng ginhawa pagdating sa pera. Benta o sangla?
LIBRA
Isipin mo na lang na makakatulong ka kapag kinausap mo sya. Huwag masyadong madamot sa impormasyon.
SCORPIO
Mainit pa rin ang panahon. Pero dapat mo nang bigay ng panahon ang sarili mo. Huwag kang pagtipid pagdating sa relaxation.
SAGITTARIUS
Ang pera ay nandyan para gastusin. Kung puro ka na lang pag-iipon, hindi mo namamalayan na wala nang sense ang buhay mo. Ibalanse ang paghahanda sa future at pamumuhay ng masaya.
CAPRICORN
Blanko ka pa rin kung sino ang may sala. Huwag kang magbintang ng kawpa dahil babalik din sa iyo ang hinala.
AQUARIUS
Kausapin mo kung talagang sincere ka. Huwag mo na uulitin ang pakikipagplastikan. Dahil dyan, lalong sasama ang loob niya sayo.
PISCES
Kapit ka lang at matatapos din ang problema. Huwag kang tumigil humanap ng paraan. Kung tungkol sa pera, mas maging innovative at huwag gumaya sa iba.
Photo by Greg Rakozy on Unsplash