TAURUS

Sana may nakuha kang life lesson sa nangyari. Ikaw rin naman ang may kasalanan. Walang permanente sa mundo kaya dapat lagi kang hahanap ng opportunities para sa future may maaasahan ka. Ngayon, pwede ka pa rin magsimula ulit, pagbutihin mo na.

GEMINI

Hindi na mauulit ang swerte mo kasi pinabayaan mo lang dumaan. Sana, kung inipon mo at nag-invest ka, lalago pa yan. Ngayon, kailangan mo na ulit magtrabaho ng matagal.

CANCER

Masakit man pero kailagan tanggapin. Hindi mo pwedeng ipilit ang gusto mo dahil may sarili rin siyang isip. Ngayon, dapat magtiwala ka na sa kanya.

LEO

Kahit di ka gaano ka attractive sa mata niya, mabuti naman ang kalooban mo. Pabayaan mo na at huwag ipilit ang sarili. Mas mabuting tulungan mo na lang ang iyong pamilya kaysa unahin ang mga gusto mo sa buhay.

VIRGO

Kahit na may blessing, malungkot ka pa rin. Be positive dahil hindi naman sa lahat ng oras puro utang ang iisipin mo. Huwag mag-alala, may parating na pera, konti nga lang. Lucky number 5

LIBRA

Magtabi kahit kaunti. Huwag mong uubusin ang pera para lang sa luho. May ibang tao na umaasa sayo. Ngayon masusubukan kung gaano ka kagaling mag budget.

SCORPIO

Di mo pa rin makikita ang mailap ng suwerte. Pero maging thankful dahil nakakarao ka sa araw araw. Huwag pansinin ang mga sinasabi ng iba na wala ka pa nararating sa buhay.

SAGITTARIUS

Dagdagan mo pa ang sipag at malapit mo na makuha ang goal mo. Huwag kang papatalo sa life. Laban lang.

CAPRICORN

Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa kanila. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo. Kahit ano pa ang pagkakamali mo, tatanggapin ka pa rin nila.

AQUARIUS

Kahit ilang beses mo isipin, talagang risky ang pinapasok mong deal. Huwag kang magpapauto dahil pera lang ang habol nila. Isipin mo ang mga umaasa sayo, baka mawalan ka ng hanapbuhay.

PISCES

Kahit na anong gawin mo, talagang hindi mauubos ang problema. Pero maging masaya ka dahil blessed ka pa rin kumpara sa iba. Mas may capacity kang tumulong.