TAURUS
Ipagpawalang bahala mo na lang ang mga sinasabi nila. Mas alam mo kung ano ang makakabuti sayo. Huwag mo hayaan na maging sagabal sila sa plano mo. Ang mga bagay na hindi mo matanggap ngayon ay unti-unting magkakaroon ng linaw.
Pero dapat, tanggapin mo rin ang totoo na hindi na pwedeng maibalik ang dati. Move on na lang para may peace of mind ka.
GEMINI
Minsan, mas gusto mo talagang mag isa para makapag isip. Ito ang tamang oras para mag desisyon kung saan mapupunta ang pera mo.
Ang mga naipon mo, mas magiging useful kung ilalagay mo sa isang maliit na negosyo. Pero kung ang emergency ang pag-uusapan, kukulangin yan lalo na sa pagkakaroon ng sakit.
Ingatan mabuti ang sarili, maraming umaasa sa iyo.
CANCER
Ang lucky numbers mo ay 10, 21 at 8. Ikaw na ang bahalang gumamit ng mga numbers na yan para mas lalong gumanda ang buhay mo.
LEO
Ito ang araw na magbibigay sayo ng kasiyahan. Pero huwag kang kampante masyado dahil dadating din ang mga problema next week. Hayaan mo munang mag enjoy ang lahat at iyong sarili.
VIRGO
Kahit nabigo ka sa plano mo, may ibang araw pa naman. Huwag ka lang aasa sa iba para hindi ka magsisi. Minsan, sila pa ang sisira sa mga naisip mong paraan para umasenso.
LIBRA
Isipin mo na lang na makakatulong ka kapag kinausap mo sya. Huwag masyadong madamot sa impormasyon.
SCORPIO
Mainit pa rin ang panahon. Pero dapat mo nang bigay ng panahon ang sarili mo. Huwag kang pagtipid pagdating sa relaxation.
SAGITTARIUS
Unahan mo na ang malas. Huwag kang gagamit ng bagay na hindi ka nagpapaalam sa may-ari.
CAPRICORN
Blanko ka pa rin kung sino ang may sala. Huwag kang magbintang ng kawpa dahil babalik din sa iyo ang hinala.
AQUARIUS
Lagpas sa ipon mo ang pinapangarap mo. Magtiis muna at balang araw mabibili mo rin yan.
PISCES
Kahit ilang beses mo isipin, mali pa rin ang ginawa mo. Sana nagpatawad ka na lang. Ang mga tao sa iyong trabaho ay walang maitutulong sayo. Mas maganda kung pagsikapan mo ang pera.