TAURUS
Huwag ituloy ang plano. Mapapahamak ka lang. Mas mabuting pag isipan mabuti bago ka makipag usap sa kanya. Magkakaroon lang kayo ng sama ng loob.
GEMINI
Tumingin mamaya sa langit at isipin mong may gumagabay sayo. Ang lahat ng problema ay pwede mong tapusin kung mag concentrate ka sa positive vibes.
CANCER
Nawawala ang gadget mo pero pwede mo na itong palitan. Mag ipon ng konti at bumili ng mura. Kaysa naman tuluyan yang masira o manakaw.
LEO
Hindi mo makikita ang kasiyahan sa buhay kung lagi kang galit. Iwasan ang mga taong nagbibigay sayo ng stress.
VIRGO
Dito ka na lang sa lugar kung saan ka comfortable. Hindi mo pa kailangan lumayo dahil masaya pa naman ang pamilya mo. Maaari kang umisip ng ibang paraan para mapagaan ang buhay, negosyo?
Lucky number: 1
LIBRA
Una sa lahat, hindi mo hawak ang tadhana. Talagang darating ang problema. Pero matatag ka kaya pwede mo itong lagpasan sa loob ng ilang araw. Yung mga taong walang naitulong sa iyo ay hindi mo na kailangan kausapin pa.
Lucky number: 7, 8, 99
SCORPIO
Alam mo naman ang sagot sa iyong problema. Pero mas madali sana kung hahanap ka ng makakatulong. Ang nawawal ay pwede mo nang makita at mas magiging masaya ka na sa wakas.
Lucky number: 8
SAGITTARIUS
Huwag mo muna bilhin ang tinatarget mo dahil may emergeny na darating. Ihanda ang budget at huwag gagastos na higit sa kaya. Ikaw ang magiging sanhi ng problema kapag tinuloy ang pagbili.
Lucky number: 6
CAPRICORN
Maaayos mo na ang nangyari kahapon. Ngayon, mas may idea ka na tungkol sa nangyari at pwede ka nang ngumiti. Ang pera na nawala ay maibabalik rin.
Lucky number: 7
AQUARIUS
Hindi mo na kailangan ng tulong. Kahit ikaw pwede mong maresolba ang problema. Basta alam mo na nakasuporta sila sayo, mas ok kung ikaw na lang ang gumawa ng paraan.
Lucky number: 6
PISCES
Ngayon mas maginhawa ang pakiramdam mo. Alam mo na kasi kung ano ang dapat gawin matapos ang failure sa buhay. Mas matalino ka na ngayon at kaya mo na harapin ang problema.
Lucky number: 1