Home » Daily Tagalog Horoscope » Horoscope for Today Philippines July 18, 2024

Horoscope for Today Philippines July 18, 2024

TAURUS

Ang mga tao sa paligid mo ay puro mga chismosa. Iwasan makipag usap sa kanila dahil gusto lang nila kumuha ng impormasyon sayo. Mas mabuting ituloy mo na lang ang trabaho mo kaysa mag-aksaya ng oras.

GEMINI

Hindi pa ngayon ang tamang panahon para gumastos. Madami ka pang babayaran kaya iwasan muna ang mga luho. Huwag muna kumain sa labas ay mamasyal. May parating na problema sa pera.

CANCER

Hindi malinaw kung ano ang gusto niya. Mas mabuting magtanong ka na lang para direkta mong malaman. Ito ang magiging dahilan para mas masaya ang araw na ito.

LEO

Piliin mo na huwag gumastos sa mga mamahaling bagay. Ikaw na rin ang nakakaalam kung bakit wala ka na masyadong naiipon.

VIRGO

Ang mga tao sa paligid mo ang tutulong para hindi mo na maranasan ang lungkot. Pwede kayong mag bonding ngayon at magkumustahan. Huwag muna gagamit ng cellphones para mas maintindihan ang mga nararamdaman.

LIBRA

Hintayin mo lang at dadating na ang balita. Matagal mo na ito pinaghandaan at sa wakas, may resulta na.

SCORPIO

Kausapin mo mabuti. Hindi naman siya magagalit, pero sasama ang kanyang loob. Kaya mas mabuting ikaw na ang lumapit at magsimula ng pag-aayos.

SAGITTARIUS

Tapos ang masasayang araw. Malapit na ulit bumalik sa dati kaya mas magandang paghandaan ito. Wala ka ng maibubuga sa kalaban mo kaya sumuko ka na lang.

CAPRICORN

Mas masarap sa pakiramdam kung patatawarin mo na lang. Ikaw rin ang mahihirapan sa sama ng loob kapag hindi mo yan tinigilan.

AQUARIUS

Ang pera mo ay mas lalago sa isang maliit na negosyo. Huwag mong hintayin na maubos pa ito. Mas mabuting mag-invest na ngayon.

PISCES

Aminado ka naman na nahihirapan ka pero ngayon gumagawa ka na ng solulsyon. Ipagpatuloy mo lang yan, magkakaroon ng magandang resulta.

Photo by Greg Rakozy on Unsplash