ARIES
Wala pa naman ang mga dapat na tutulong sa iyo. Umpisa pa lang ng taon, pero parang may nakaabang na problema. Huwag matakot, ito ang dahilan kung bakit ka nag-“training” noon. Gamitin mo ang lahat ng kaalaman mo.
TAURUS
Ito ang taon na dapat ka na makipag-ayos sa kaaway mo. Biglang magbabago ang ugali niya sa pakikitungo sa iyo. Huwag kang magagalit dahil meron syang sariling problema.
GEMINI
Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao.
CANCER
Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi. Importante na open ang inyong communication.
LEO
Ang unang quarter ng taon na ito ay para sa iyo. Ingatan ang lahat ng blessings at palaguin pa ito. Pero sa bandang kalahati ng taon, may problema na dadating. Kaya mo yan.
VIRGO
Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.
LIBRA
Matulog ng maaga may pasok na naman bukas. Pero kung wala, pwede ka na mag-isip ng bagong source of income. May nahihintay na magandang balita bukas.
SCORPIO
Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.
SAGITTARIUS
Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis. Mas ok kung hindi mo papansinin ang mga sinasabi ng iba, ang taon na ito ay hindi madali pero kaya mo.
CAPRICORN
Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.
AQUARIUS
Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito. Huwag kang magpapadala sa mga matatamis na salita.
PISCES
Dito na dapat magsisimula ang pagbangon mo. Madaming naghihintay na opportunities. Pag-ingatan mo ang lahat ng matatanggap na blessings para mas maging masaya ang lahat ng susunod na mga taon.