TAURUS

Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis. Ang mga tao sa paligid mo ay natural na may inggit sayo. Pero ang projection mo kasi ay may kayabangan. Dapat low profile ka lang. Kung sa tingin mo may ipagmamalaki ka naman, dapat huwag mo na masyadong sabihin. Ito lang naman ang kinaiinisan nila sayo.

Personal Horoscope

GEMINI

Makikita mo ang taong kinaiinisan mo. Huwag mong kausapin, dahil masisira ang araw mo. Ngayon, dapat mas gustuhin mo na ang peace of mind. Hindi ka na makatulog sa gabi dahil sa problema. Pero bakit di mo gawin ang solusyon, alam mo naman di ba?

Personal Horoscope

CANCER

Kahit ilang beses mo pag-isipan, talagang ikaw ang may mali. Sana, sa susunod ay magbigay ka ng panahon para pakinggan ang paliwanag nila. Hindi sa lahat ng oras ay tama ka.

Personal Horoscope

LEO

Ngayon mo masusukat kung talagang loyal siya sa iyo. Hanapin ang mga nakasave na messages. Makikita mo kung ano ang pinagkaiba ng sinabi niya at ginaawa niya.

Personal Horoscope

VIRGO

Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

Personal Horoscope

LIBRA

Mahirap talagang isipin na hindi pa rin sapat ang suweldo mo. Kung may chance, pwede ka mag set up ng mapagkakakitaan. Alisin muna ang gastusin sa cellphone, hindi mo ikayayaman yan.

Personal Horoscope

SCORPIO

Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

Personal Horoscope

SAGITTARIUS

Mawawala ang pinakamahalagang bagay na binigay niya. Hindi mo ito mapapalitan ng kahit anong pera. Wag kang gumawa ng bagay na magpapalala sa sitwasyon mo ngayon.

Personal Horoscope

CAPRICORN

Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

Personal Horoscope

AQUARIUS

Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito. Hindi ito madaling mapalitan, alam mo namang wala kang pera at matagal mo rin yan pinag-ipunan.

Personal Horoscope

PISCES

Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao.

Personal Horoscope