Bukas, may bagong reading ulit para sa’yo.

TAURUS

Matuto kang magpasalamat sa mga blessing. Hindi lahat may chance ng katulad sa iyo. Mas ok sana kung i-share mo na rin, pero alam natin na may problema ka rin financially. Ayusin mo muna mabuti ang budget bago bumili.

GEMINI

Babawiin sayo ang magandang balita tungkol sa pera. Ito ay isang pagkakamali. Dapat mong pagpaguran ang lahat ng gusto mong bilhin. Lucky number: 7

CANCER

Hindi mo pa malalaman ang sagot sa iyong kahilingan. Pero pwede ka pa rin maghintay ng ilang araw.

LEO

Maging observant para mas makilala mo kung ano ang tunay na pagkatao mo. Ang mga bagay sa paligid ang magbibigay sayo ng clue kung ano ang next mo na gagawin. My goodness, palagi ka na lang tinatamad. Paano ka makakaahon niyan?

VIRGO

May kakilala ka na humihingi ng tulong. Ikaw ang mad-decide dahil alam mo naman ang ugali niya. Magiging sakit lang ng ulo kapag ito ay tungkol sa pera

LIBRA

Darating din and panahon na hihingi ka ng tulong. Huwag masyadong ma pride at mayabang. Lahat ng tao ay kailangan na may ka-partner para mas madali ang pamumuhay.

SCORPIO

Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humaap ng iba pang paraan para sa problema mo.

SAGITTARIUS

Nung narinig mo yung tugtog, nagkaroon ka ng idea. So ano ang next mo na gagawin, tunganga ba ulit? Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

CAPRICORN

Masakit man sa damdamin pero yun ang totoo. Wala ka pa ring nararating sa buhay. Dalawa lang yan, malas ka o tamad ka.

AQUARIUS

Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso. Pero kapos na nga negosyo pa? Sa ngayon, alam mo bang may dadating na blessings this week? Wag ka mawalan ng pag-asa

PISCES

Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye.