Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • November 6, 2024

    TAURUS

    Unahin ang kapakanan ng pamilya bago ang kaibigan. Hindi ka matutulungan ng mga iyan balang araw. Ang pamilya mo lang ang sasagip sayo kapag hirap ka na sa buhay.

    GEMINI

    Ngayon magsisimula ang malas. Pero huwag ka mag-alala, sandali lang ito na parang warning. Gusto lang ipakita sayo kung ano ang pwedeng mangyari kapag tinuloy mo ang plano mo.

    CANCER

    Kung hindi mo mapigilan ang sarili, huwag kang uutang sa iba. Dapat ang pera ay may paglalaanan na tamang gastusin. Huwag ilagay sa luho ang pinaghirapan na suweldo.

    LEO

    Ang lucky numbers mo ay 13, 22 at 8. Ikaw na ang bahalang gumamit ng mga numbers na yan para mas lalong gumanda ang buhay mo.

    VIRGO

    Hindi man kayo madalas magkita, alam mo sa sarili mo na gusto mo pa rin siyang makausap. Ikaw na lang ang mag reach out at baka masiyahan pa sya sa chat mo.

    LIBRA

    Isipin mo na lang na makakatulong ka kapag kinausap mo sya. Huwag masyadong madamot sa impormasyon.

    SCORPIO

    Mainit pa rin ang panahon. Pero dapat mo nang bigay ng panahon ang sarili mo. Huwag kang pagtipid pagdating sa relaxation.

    SAGITTARIUS

    Unahan mo na ang malas. Huwag kang gagamit ng bagay na hindi ka nagpapaalam sa may-ari.

    CAPRICORN

    Lagpas na sa deadline. Huwag kang magpumilit na baguhin pa ang plano. Dapat noon mo pa naisip na hindi ito aabot sa tamang panahon. Ang paghahanda para sa pera ay pinaplanong mabuti.

    AQUARIUS

    Lagpas sa ipon mo ang pinapangarap mo. Magtiis muna at balang araw mabibili mo rin yan.

    PISCES

    Kahit may mga hindi magandang nangyari, mukhang mas lamang ang ok ah. Ipagpatuloy mo lang ang nasimulan mo. Aanihin mo na ang mga naitanim mo na mabuting bagay. Wag mo kami kalimutan kapag yumaman ka na ha.


  • November 5, 2024

    Bukas, may bagong reading ulit para sa’yo.

    TAURUS

    Hindi ka pa nagsasawa sa dami ng problema? Wag mo na dagdagan baka hindi mo kayanin. Kay ang dapat ay manahimik ka na lang para walang sabit. Ibigay mo ang atensyon sa ibang bagay na kung saan kikita ka ng pera. Kalimutan mo na ang nangyari.

    GEMINI

    Mas mabuti yang ginagawa mo ngayon kaysa nung isang taon. Hindi mo na rin maaalala ang masamang nakaraan dahil busy ka na maging mas mabuting tao.

    CANCER

    Ang utang binabayaran. Wag mo takbuhan para makautang ka ulit. Magsikap kang iayos ang budget para next time, di mo na kailangan humingi ng tulong.

    LEO

    Ang mga tao sa bahay mo ang mali. Dapat pinakinggan ka nila para hindi lumala ang sitwasyon. Ngayon, sino mag aayos niyan? Matuto sana silang maging considerate.

    VIRGO

    Nakakatawa naman ang nangyari sayo kaya smile ka lang. Hindi naman sa araw-araw ay problema ang dapat mong harapin. May time na minsan, masaya ang mangyayari sa buhay na magiging memorable talaga.

    LIBRA

    Ayos ka lang ba? Busog ba sa pagkain o sa pagmamahal? Maswerte ka rin dahil may tumutulong sayo. Ang iba nga dyan halos mamalimos na.

    SCORPIO

    Itago ang natitirang pera dahil may darating na masakit. Hindi na ito pwedeng iwasan. Ang mga darating na araw ay magbibigay sayo ng life lessons lalo na sa pagiging masinop sa pera.

    SAGITTARIUS

    Bago lumubog ang araw, may sagot na sa tanong mo. Secret muna kung good o bad news. Habang umaandar ang oras, mapapansin mo na ang sagot.

    CAPRICORN

    Ayaw natin lahat ng problema pero anong magagawa mo? Talagang minsan sinasadya yan ng panahon para mas lalo kang tumibay. Pag tapos na, mas magiging masaya na ang buhay mo dahil natuto ka na.

    AQUARIUS

    Yung utang paano? Pag ipunan mo na para mas maging magaan ang loob mo. Mahirap ang may tinatagong problema, nakakapraning.

    PISCES

    Sa wakas nagsisimula nang magbago ang mga bagay-bagay. Sana maabot mo na ulit ang masarap na buhay. Oo, konting problema paminsan minsan para lalo kang tumatag.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook