Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • October 28, 2024

    Bukas, may bagong reading ulit para sa’yo.

    TAURUS

    Maayos ang araw mo. Pero huwag kang magpapautang dahil hindi naman sincere ang pagbabayad. Mag invest ka na lang para lumago ang savings mo.

    GEMINI

    Babawiin sayo ang magandang balita tungkol sa pera. Ito ay isang pagkakamali. Dapat mong pagpaguran ang lahat ng gusto mong bilhin. Lucky number: 7

    CANCER

    Hindi mo pa malalaman ang sagot sa iyong kahilingan. Pero pwede ka pa rin maghintay ng ilang araw.

    LEO

    Ibahin mo naman ang strategy mo. Paulit ulit na lang ang style at hindi na ito nakakatuwa sa iba. Maging observant para mas makilala mo kung ano ang tunay na pagkatao mo.

    VIRGO

    May kakilala ka na humihingi ng tulong. Ikaw ang mad-decide dahil alam mo naman ang ugali niya. Magiging sakit lang ng ulo kapag ito ay tungkol sa pera

    LIBRA

    Darating din and panahon na hihingi ka ng tulong. Huwag masyadong ma pride at mayabang. Lahat ng tao ay kailangan na may ka-partner para mas madali ang pamumuhay.

    SCORPIO

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humaap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SAGITTARIUS

    Hindi mo pa rin nasusunod ang naka plano. Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

    CAPRICORN

    Masakit man sa damdamin pero yun ang totoo. Wala ka pa ring nararating sa buhay. Dalawa lang yan, malas ka o tamad ka.

    AQUARIUS

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso.

    PISCES

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye.


  • October 27, 2024

    TAURUS

    Biglang magbabago ang ugali niya sa pakikitungo sa iyo. Huwag kang magagalit dahil meron syang sariling problema.

    GEMINI

    Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao.

    CANCER

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi. Importante na open ang inyong communication.

    LEO

    Bihira ang taong tapat pagdating sa pera. Mas maayos siyang kausap kaysa sa isa pang kamag anak.

    VIRGO

    Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

    LIBRA

    Matulog ng maaga, may nahihintay na magandang balita bukas.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito.

    PISCES

    Makikita mo ang taong kinaiinisan mo. Huwag mong kausapin, dahil masisira ang araw mo.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook