Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • October 25, 2024

    TAURUS

    Ang mga tao sa iyong paligid ang magpapahamak sa iyo. Huwag basta magtiwala sa kanila. May hindi magandang mangyayari.

    Personal horoscope

    GEMINI

    Minsan mas mabuti pang manahimik na lang. Mas marami kang sinasabi mas maraming gulo ang dala. Huwag mong pabayaan na sila lang ang gumawa dahil hindi sincere ang kanilang balak.

    Personal horoscope

    CANCER

    Madami pang darating na magandang balita. Huwag magpadala sa emosyon dahil misnan lang mangyari ito. Isipin mabuti kung paano palalaguin ang pera.

    Personal horoscope

    LEO

    Sana sumama ka na lang para nakita mo kung ano ang nangyayari. Ngayon at may resulta na, mahirap nang ibalik ang tiwala.

    Personal horoscope

    VIRGO

    Huwag ka mahihiyang magtanong. Mas mabuti na mukha kang walang alam kaysa naman mapahamak ka dahil hindi mo inalam kaagad ang sitwasyon.

    Personal horoscope

    LIBRA

    Tuloy pa rin ang ligaya. Pero dapat mo na rin isipin ang kinabukasan. matanda ka na at dapat responsable na sa pera.

    Personal horoscope

    SCORPIO

    Itapon mo na ang lumang gamit. Nabubulok lang ito at puro alikabok. Maging masinop dahil may darating na mas magandang items para sa iyo.

    Personal horoscope

    SAGITTARIUS

    Hirap na talaga sa buhay ang marami pero wag ka umiyak. May tutulong sa iyo na kapamilya. Unahin mo ang kapakanan nila dahil sila ang tunay na may malasakit.

    CAPRICORN

    Ubusin mo man ang lahat ng pera mo, hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Huwag mo nang ipilit ang hindi pwede. Move on.

    Personal horoscope

    AQUARIUS

    Nawala man ang mahalaga sayo, meron itong kapalit. Abangan lang ang magandang balita na sasabihin ng isang babae.

    PISCES

    Mag exercise ka na para hindi na magkasakit. Kumain ng tama at tigilan ang gadget. May gamot na mahal pero pwede ka bumili ng generics.

    Personal horoscope


  • October 24, 2024

    Bukas, may bagong reading ulit para sa’yo.

    TAURUS

    Ang mga nararamdaman mo ay valid naman. Pero kung palagi ka na lang galit, baka dumami ang wrinkles mo. Hayaan mo lang sila at huwag magpaka stress. Mas masarap matulog kapag relaxed ka lang. Lucky number 10

    GEMINI

    Kaya lagi kang niloloko dahil mapagbigay ka. Alam nila ang weakness mo pero hindi naman masama ang tumulong. Lagyan mo lang ng limitasyon. Lucky number 2

    CANCER

    Wag ka na magalit. Mas maganda kung pagbigyan mo na lang ang gusto nila. Hindi naman ito magiging problema basta wag ka lang papa-abuso. Lucky numbers 9

    LEO

    Masarap pakinggan kapag nag sorry. Kaya kung kasalanan mo naman, mag sorry ka na para hindi na sumama ang loob niya. Alam mo naman na ikaw ang mali kaya dapat, huwag ka masyadong mayabang. Lucky number 5

    VIRGO

    Ang color red ay magiging masuwerte para sayo. Pero ingat ka rin dahiul senyales din ito ng isang parating na problema. Joke ba it? Hindi natin alam, pero ingat lagi sa byahe. Lucky number 56

    LIBRA

    Matanda ka na. Huwag mo na ipagpilitan ang sarili sa mas bata dahil iba ang kaisipan nila. Mas ok kung ikaw mismo may sariling solusyon sa problema. Kung nawawala, hanapin. Kung walang pag-asa, tanggapin.

    SCORPIO

    Sumasakit na naman ba? Ganyan talaga, di natin maiiwasan ang health problems. Dapat mas maging maayos ka kausap para alam ng mga tao ang nararamdaman mo.

    SAGITTARIUS

    Ulit ulit lang. Lagi mo na lang ginagawa ang nagbibigay sayo ng problema. Umayos ka naman, madaming umaasa sayo. Lucky numbers 10, 67

    CAPRICORN

    Hindi pa tapos ang problema pero maganda ang magiging araw mo. Dahil dyan, pa burger ka. Konting panahon na lang at mawawala na ang sakit ng ulo mo.

    AQUARIUS

    Iiyak ka ba o tatawa na lang? Kasalanan mo pero parang joke lang di ba? Ganyan talaga ang buhay, tawanan mo na lang libre naman yun.

    PISCES

    Hindi naman, pero may mararamdaman kang parating na problema. Ang maganda ay mas handa ka na ngayon dahil nangyari na yan noon. Uminom ka na lang ng relaxing na inumin, o wag masyadong magpakalasing ha.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook