Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • October 15, 2024

    ARIES

    Hindi mo na ulit makikita ang taong iyon. Pabayaan mo na siya maging malaya at manahimik. Ganyan talaga ang buhay, may dadating may aalis. Bigyan pansin mo na lang ang pamilya mo para hindi na maisip ang lungkot.

    Aries Profile

    TAURUS

    Yung mga nalalaman mo na balita, ang iba doon chismis lang. Wag kang magpa-apekto. Basta alam mo ang ginagawa mo ay tama, ituloy mo lang. Hindi mo kailangan ng opinyon nila. Lucky number 5

    Taurus Profile

    GEMINI

    Kahit mahirap, mas ok na kung wala kang kasama. Mas nagiging magulo lang pag iba-iba ang isip ng mga opinyon nila. Pagbutuhin ang iyong ginagawa at darating ang maginhawang buhay. Lucky number 5

    Gemini Profile

    CANCER

    Makikita mo na ang matagal mo nang hinahanap. Ngayon, ingatan mo ito at huwag pabayaang mawala ulit. Minsan lang darating sa buhay mo ang ganyang swerte. Lucky numbers 4, 88

    Cancer Profile

    LEO

    Hindi sapat ang pera mo kaya huwag ka na mag-isip na bilhin ito. Madami pang pagkakataon na darating. Unahin muna ang bills sa bahay. Kung talagang walang ipon, mag-tyaga na lang muna kung ano ang meron.

    VIRGO

    Hindi na talaga magbabago ang ugali niya kaya ikaw na lang ang mag adjust. Mas may isip ka naman kaya unawain mo kung anuman ang sasabihin niyang laban sa iyo. Lucky number 45, 9

    Virgo Profile

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humanap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    Libra Profile

    SCORPIO

    Iba iba ang ugali ng tao at hindi mo sila mapipilit. Kung ayaw nila, ikaw na lang ang tumapos ng mga gawain. Mas mabuti pa ito kaysa magsisihan sa huli. Lucky numbers 1, 9

    SAGITTARIUS

    Ang mga tao sa paligid mo ay hindi natutuwa sa mga kilos mo. Sana nag konsulta ka muna sa isang eksperto para hindi lumala ang problema. Masyado ka rin assuming na akala mo lahat ay ayon sa plano mo. Hintayin mo ang opinyon ng iba. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso. Pero sa ngayon gipit ka, wag ka uutang dahil lalong malaking problema ito.

    AQUARIUS

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.

    Aquarius Profile

    PISCES

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye. Ang mga tao sa paligid mo ang tunay na nakakita sa pangyayari. Kung mag-iisip ka ng masama laban sa kanila, lalo lang gugulo ang sitwasyon.

    Pisces Profile


  • October 14, 2024

    TAURUS

    Tigilan mo na ang pakikinig sa chismis ng kapitbahay at ka-trabaho mo. Ikaw naman ang susunod na pag-uusapan at masasaktan ka sa mga maririnig mo. Dapat kang maging matibay dahil masyadong masama ang tingin nila sa iyo.

    GEMINI

    Pwede ka na ulit gumastos kahit paunti unti. Dadating na ang inaasahan mong pera. Tipirin ito hangga’t kaya. Naranasan mo na ang paghihirap kaya mas maging matalino ka na.

    CANCER

    Minsan talaga mapapaisip ka kung bakit ka pinaparusahan. Pero tandaan mo na may katapusan din ang mga ito. Mas magandang hindi mawalan ng pag-asa dahil laging nasa huli ang magandang resulta.

    LEO

    Piliin mo na huwag gumastos sa mga mamahaling bagay. Ikaw na rin ang nakakaalam kung bakit wala ka na masyadong naiipon.

    VIRGO

    Ikaw lang ang may kaya na gumawa nun. Kaya wa mo na iasa pa sa iba. Mabuti nga kahit maliit ay kumikita ka. Yung iba dyan iyak lang dahil walang panggastos.

    LIBRA

    Mahirap ang magkimkim ng sama ng loob. Ito ay magbibigay sa’yo lalo ng kalungkutan. Kung alam mong ikaw ang may sala, huwag mo na patagalin at mag sorry.

    SCORPIO

    Mag message sa isang classmate na matagal mo nang hindi nakakausap. May naka abang ng magandang balita para sa’yo. Iwasan lang na makipag usap ng matagal dahil mauubos ang oras mo at mawawala ang magandang balita.

    SAGITTARIUS

    Ipon ipon din pag may time. Hindi palaging malaki ang kita. Malapit na dumating ang problema na ayaw mong harapin. Pero no choice ka, kasalanan mo rin naman.

    CAPRICORN

    Madalas ka naman may nararamdaman na masakit. Pumunta sa doktor at itanong kung ano ang dahilan.

    AQUARIUS

    Ang pera mo ay mas lalago sa isang maliit na negosyo. Huwag mong hintayin na maubos pa ito. Mas mabuting mag-invest na ngayon.

    PISCES

    Hindi magandang ugali ang pinakita mo. Masyado ka nang mataas at mayabang. Maging humble dahil tinulungan ka rin ng iba para marating mo ang kinalalagyan mo.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook