Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • January 4, 2024

    Aries

    Hindi mo na makikita yung nawawalang gamit mo. Ito ay sign na dapat ka nang mag move on. Pwede rin ito sa isang tao na hindi mo na nakikita ng matagal. Alam naman niya na may pagmamahal ka pa sa kanya pero ang sitwasyon sa buhay at kailangan tanggapin.

    TAURUS

    Maayos ang araw mo. Pero huwag kang magpapautang dahil hindi naman sincere ang pagbabayad. Mag invest ka na lang para lumago ang savings mo.

    GEMINI

    Babawiin sayo ang magandang balita tungkol sa pera. Ito ay isang pagkakamali. Dapat mong pagpaguran ang lahat ng gusto mong bilhin. Lucky number: 7

    CANCER

    Hindi mo pa malalaman ang sagot sa iyong kahilingan. Pero pwede ka pa rin maghintay ng ilang araw.

    LEO

    Ibahin mo naman ang strategy mo. Paulit ulit na lang ang style at hindi na ito nakakatuwa sa iba. Maging observant para mas makilala mo kung ano ang tunay na pagkatao mo.

    VIRGO

    May kakilala ka na humihingi ng tulong. Ikaw ang mad-decide dahil alam mo naman ang ugali niya. Magiging sakit lang ng ulo kapag ito ay tungkol sa pera

    LIBRA

    Darating din and panahon na hihingi ka ng tulong. Huwag masyadong ma pride at mayabang. Lahat ng tao ay kailangan na may ka-partner para mas madali ang pamumuhay.

    SCORPIO

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humaap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SAGITTARIUS

    Hindi mo pa rin nasusunod ang naka plano. Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

    CAPRICORN

    Masakit man sa damdamin pero yun ang totoo. Wala ka pa ring nararating sa buhay. Dalawa lang yan, malas ka o tamad ka.

    AQUARIUS

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso.

    PISCES

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye.


  • January 3, 2024

    Aries

    Huwag mo pabayaan na lumipas ang linggo na ito nang hindi mo naaayos ang problema. Bagong taon na kaya dapat iwanan mo na ang sama ng loob. Ito ang way para mas umasenso ka.

    TAURUS

    Medyo makapal ang mukha mo para sabihin yun bagong taon pa naman. Sana bawasan mo rin ang kayabangan mo kasi nakakasakit ka ng damdamin. Bigyan mo rin sila ng chance makapag-explain.

    GEMINI

    Ang pera na naipon mo ay pwede mo nang palaguin, sa maliit na paraan magkakaroon ka ng additional income. Huwag mo pautangin ang taong lalapit sayo.

    CANCER

    Masakit man pero kailagan tanggapin. Hindi mo pwedeng ipilit ang gusto mo dahil may sarili rin siyang isip.

    LEO

    Pwede ka na mag relax kahit kaunti. Ito ang dapat sa mga taong nagtrabaho ng mabuti. Lucky number 9

    VIRGO

    Kahit na may blessing, malungkot ka pa rin. Be positive dahil hindi naman sa lahat ng oras puro utang ang iisipin mo. Lucky number 5

    LIBRA

    Magtabi kahit kaunti. Huwag mong uubusin ang pera para lang sa luho. May ibang tao na umaasa sayo.

    SCORPIO

    Di mo pa rin makikita ang mailap ng suwerte. Pero maging thankful dahil nakakarao ka sa araw araw. Huwag pansinin ang mga sinasabi ng iba na wala ka pa nararating sa buhay.

    SAGITTARIUS

    Dagdagan mo pa ang sipag at malapit mo na makuha ang goal mo. Huwag kang papatalo sa life. Laban lang.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Kahit ilang beses mo isipin, talagang risky ang pinapasok mong deal. Huwag kang magpapauto dahil pera lang ang habol nila.

    PISCES

    Kahit na anong gawin mo, talagang hindi mauubos ang problema. Pero maging masaya ka dahil blessed ka pa rin kumpara sa iba. Mas may capacity kang tumulong.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook