Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • October 10, 2024

    TAURUS

    Huwag masyadong pabida. Makakahanap ka ng katapat mo. Mas maging mahinahon sa pakikipag usap sa mga tao.

    GEMINI

    Pwede ka na ulit gumastos kahit paunti unti. Dadating na ang inaasahan mong pera. Tipirin ito hangga’t kaya. Naranasan mo na ang paghihirap kaya mas maging matalino ka na.

    CANCER

    Minsan talaga mapapaisip ka kung bakit ka pinaparusahan. Pero tandaan mo na may katapusan din ang mga ito. Mas magandang hindi mawalan ng pag-asa dahil laging nasa huli ang magandang resulta.

    LEO

    Piliin mo na huwag gumastos sa mga mamahaling bagay. Ikaw na rin ang nakakaalam kung bakit wala ka na masyadong naiipon.

    VIRGO

    Ang mga tao sa paligid mo ang tutulong para hindi mo na maranasan ang lungkot. Pwede kayong mag bonding ngayon at magkumustahan. Huwag muna gagamit ng cellphones para mas maintindihan ang mga nararamdaman.

    LIBRA

    Mahirap ang magkimkim ng sama ng loob. Ito ay magbibigay sa’yo lalo ng kalungkutan. Kung alam mong ikaw ang may sala, huwag mo na patagalin at mag sorry.

    SCORPIO

    Mag message sa isang classmate na matagal mo nang hindi nakakausap. May naka abang ng magandang balita para sa’yo. Iwasan lang na makipag usap ng matagal dahil mauubos ang oras mo at mawawala ang magandang balita.

    SAGITTARIUS

    Hindi pa tapos ang problema pero may kapalit na maayos na kalagayan ng iyong pamilya. Magpasalamat at ito ay tatagal ng isang taon.

    CAPRICORN

    Madalas ka naman may nararamdaman na masakit. Pumunta sa doktor at itanong kung ano ang dahilan.

    AQUARIUS

    Ang pera mo ay mas lalago sa isang maliit na negosyo. Huwag mong hintayin na maubos pa ito. Mas mabuting mag-invest na ngayon.

    PISCES

    Hindi magandang ugali ang pinakita mo. Masyado ka nang mataas at mayabang. Maging humble dahil tinulungan ka rin ng iba para marating mo ang kinalalagyan mo.


  • October 9, 2024

    TAURUS

    Hindi mo pa alam kung ano ang totoong nangyari hinusgahan mo na agad. Matuto kang mag research ng mabuti. Huwag papadala sa chismis, ikakasira ng buhay mo yan.

    GEMINI

    Kung alam mo lang, crush ka rin niya. Haba ng buhok ah. Pero sana, maging totoo siya sayo.

    Ikaw lang ang makakatulong sa pamilya mo kaya pagbutihin mo ang gawain. Darating din ang ginhawa.

    CANCER

    Sana hindi ka na lang nag-isip ng ganun, lalo lang mapapalayo ang loob mo sa kanila. Ngayon, mas mahirap na silang suyuin dahil sa nagawa mo. Mag mabuti kung hihingi ka ng sorry.

    LEO

    Wala ka nang kaagaw. Pero dahan dahan lang, baka maosbrahan ka. Alam mo naman mahirap maospital.

    VIRGO

    Hindi mo na kailangan pang magpagod. May tutulong na sa’yo. Ngayon pwede ka nang magpahinga, wag forever ha. Tamang rest lang.

    LIBRA

    Makikita mo na rin sa wakas. May bunga na ang iyong paghahanap. Pero magpasalamat ka rin dahil blessing yan.

    SCORPIO

    Alam mo naman ang karma, pwedeng good pwedeng bad. Kung ano ang ginawa mo, gagantihan ka pa rin. Kaya magdasal kang mabuti. Lucky numbers 11, 8

    SAGITTARIUS

    Ingatan ang mga gamit, may nagtatangka diyan. Umuwi ng maaga, lalo na ngayon maulan. Huwag nang gumimik, ayusin ang sarili, madaming problema bukas.

    CAPRICORN

    Ibang iba ka na mag-isip. Ipagpatuloy mo yan ang gaganda rin ang bukas mo. Pero yung babaeng makulit, problema na naman ibibigay sayo.

    AQUARIUS

    Walang malinaw sa ngayon. Abangan mo na lang ang susunod na sasabihin niya. Hindi pa ito sigurado at lalong hindi pa rin sigurado ang future mo.

    PISCES

    Lilipas din yan at may bawi sa matyagang maghintay. Mag maging busy ka sa trabaho at magisip ng magandang negosyo. Ito ang magbibigay sa iyo ng mas madaming pera.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook