Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • October 3, 2024

    TAURUS

    Tama na ang kalungkutan. Mag move on na para malaman kung ano ang next step. Hindi maghihintay sayo ang mundo.

    GEMINI

    Kahit sinong tao ay talagang mag aalala sa ginawa mo. Dapat kumonsulta ka muna sa iyong pamilya para hindi mapahamak. Huwag mag desisyon sa mga bagay nang mag isa kung ito ay tungkol sa pera.

    CANCER

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi. Importante na open ang inyong communication.

    LEO

    Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi na maibabalik ang tiwala sa iyo. Mas mabuting humanap ka na lang ng ibang makakaintindi sa sitwasyon mo.

    VIRGO

    Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

    LIBRA

    Sa pagkain, hinay hinay lang. May lalabas na sintomas ngayong buwan, kailangan mo na magpa check up.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis.

    CAPRICORN

    Mahirap kausapin ang taong sarado ang isip. Ituon na lang ang iyong oras sa sarili para mapabuti pa ang buhay mo. Hindi mo naman siya kailangan sa buhay kung tutuusin.

    AQUARIUS

    Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito.

    PISCES

    Mas masaya kung ishare mo sa iba ang natanggap na blessing. Kahit kaunti lang ito, iba ang mararamdaman nilang kasiyahan kapag ikaw ang nagbigay.


  • October 2, 2024

    TAURUS

    Dapat pinabayaan mo na lang ang mga sinabi niya. Tutal hindi mo naman dapat patulan dahil alam mo kung ano ang totoo. Pero kung tutuusin, may kasalanan ka rin. Tigilan mo na ang pagsagot, lalo lang tatagal ang away niyo.

    GEMINI

    Mas ok kung titipirin mo muna ang pera mo. Kahit na sa tingin mo ay deserve mo yan, may mas importante kang kailangan bayaran. Next time na lang ang pagbili mo ng gamit, unahin mo muna ang bills.

    CANCER

    Maganda ang araw mo dahil na rin siguro sa holiday. Mas maaga kang matatapos sa mga gawain at trabaho. Huwag ka na mamasyal dahil kapos na ang pera mo.

    LEO

    Simula ngayon, pwede ka nang mag-ipon kahit paunti-unti. Ang savings mo ay hindi na sapat sa iyong karamdaman. Huwag aasa sa iba dahil hindi ka naman nila matutulungan.

    VIRGO

    Paano uusad ang buhay mo kung palagi ka na lang nakikipag argumento. Matuto na makinig sa iba para malaman ang kanilang opinyon. Huwag masyadong mayabang.

    LIBRA

    Sa darating na mga araw, lalo mo makikilala ang ugali niya. Mahirap man tanggapin pero ito ang tunay na kulay niya. Mas mabuting lumayo ka na para hindi kayo magkaroon ng argumento.

    SCORPIO

    Mawawala ang mahalagang bagay sa iyo. Hindi ito madaling palitan at mahirap din ibalik. Ingatan ang iyong mga gamit dahil may nagkaka-interes. Siguro may ok kung lagyan mo ng lock ang bag mo.

    SAGITTARIUS

    Isipin mo na lang na mas mabuting hindi na kayo nag-uusap. Walang samaan ng loob at walang kailangan patunayan. Humanap ng ibang kaibigan.

    CAPRICORN

    Pwede kang kumain ng marami pero kailagan mong ingatan ang kalusugan. Kung may masarap na pagkain, moderate lang at huwag parang patay gutom.

    AQUARIUS

    Madilim ang araw pero may tutulong sayo. Ang mga nawawalang bagay ay mahahanap pero may kapalit ang mga ito. Huwag makipag away sa magulang, sila ang tutulong sa mga nawawalang bagay.

    PISCES

    Good at naisip mong madumi na ang kwart mo. Oras na para linisin. Ang mas good news ay may dadating kang pera pero ingatan mo na ito, dahil minsan lang yan mangyari na walang masyadong effort.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook