Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • October 1, 2024

    TAURUS

    Dahil sa matigas ang ulo mo, lalo kang mapapahamak. Sana hindi ka na lang nag-isip ng ganun, lalo lang mapapalayo ang loob mo sa kanila.

    Unawain mo na lang ang ugali. Huwag ka na papatola, gulay yun.

    GEMINI

    Kung alam mo lang, crush ka rin niya. Haba ng buhok ah. Pero sana, maging totoo siya sayo.

    Ikaw lang ang makakatulong sa pamilya mo kaya pagbutihin mo ang gawain. Darating din ang ginhawa.

    CANCER

    Pwede mo na harapin ang mga taong umapi sa’yo. Naks, main character yarn? Ngayon, mas magiging ok na ang buhay mo sa tulong ng iba. Tanawin mong utang na loob ito sa kanila.

    LEO

    Ganun talaga, minsan masarap mag enjoy sa buhay lalo na kung puro ka trabaho. Wala ka nang kaagaw. Pero dahan dahan lang, baka maosbrahan ka. Alam mo naman mahirap maospital.

    VIRGO

    Hindi mo na kailangan pang magpagod. May tutulong na sa’yo. Ngayon pwede ka nang magpahinga, wag forever ha. Tamang rest lang.

    LIBRA

    Makikita mo na rin sa wakas. May bunga na ang iyong paghahanap. Pero magpasalamat ka rin dahil blessing yan.

    SCORPIO

    Alam mo naman ang karma, pwedeng good pwedeng bad. Kung ano ang ginawa mo, gagantihan ka pa rin. Kaya magdasal kang mabuti. Lucky numbers 11, 8

    SAGITTARIUS

    Ingatan ang mga gamit, may nagtatangka diyan. Umuwi ng maaga, lalo na ngayon maulan. Huwag nang gumimik, ayusin ang sarili, madaming problema bukas.

    CAPRICORN

    Ibang iba ka na mag-isip. Ipagpatuloy mo yan ang gaganda rin ang bukas mo. Pero yung babaeng makulit, problema na naman ibibigay sayo.

    AQUARIUS

    Walang malinaw sa ngayon. Abangan mo na lang ang susunod na sasabihin niya. Hindi pa ito sigurado at lalong hindi pa rin sigurado ang future mo.

    PISCES

    Don’t be sad. Malapit na ulit gumaan ang pakiramdam mo. Basta unti-unti lang at makakaraos ka rin sa mga iniisip mong problema.


  • September 30, 2024

    TAURUS

    Nalaman mo na ang dahilan ng problema mo. Pwede ka na gumawa ng hakbang para hindi na ito lumala. Hindi mo rin sila masisisi dahil may pagkukulang ka rin. Hayaan mo muna lumipas ang mga araw at gawin mo ang nararapat. Lucky number 2, 66, 8

    GEMINI

    Ang ugali mo na mapagpintas ang magdadala sayo ng problema. Ikaw na dapat umunawa sa kanila dahil mas matalino ka. Lucky number 5

    CANCER

    Wag mong idadaan sa biro ang lahat. Maraming naaasar sa mga sinasabi mo. Mas mabuting manahimik para hindi sila magalit. Ang mga bagay na importante sa kanila ay maaaring hindi importante sa iyo. Lucky numbers 4, 88

    LEO

    Hindi sapat ang pera mo kaya huwag ka na mag-isip na bilhin ito. Madami pang pagkakataon na darating. Unahin muna ang bills sa bahay.

    VIRGO

    Hindi na talaga magbabago ang ugali niya kaya ikaw na lang ang mag adjust. Mas may isip ka naman kaya unawain mo kung anuman ang sasabihin niyang laban sa iyo. Lucky number 45, 9

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humanap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SCORPIO

    Kahit ikaw ang tama, mas ok na tanggapin mo na lang kung ano ang sinabi niya. Hindi ka naman mapapahiya. Kung sa tingin mo mas importante ang peace of mind, huwag mo na lang sya pansinin. Lucky numbers 1, 9

    SAGITTARIUS

    Ang mga tao sa paligid mo ay hindi natutuwa sa mga kilos mo. Sana nag konsulta ka muna sa isang eksperto para hindi lumala ang problema. Masyado ka rin assuming na akala mo lahat ay ayon sa plano mo. Hintayin mo ang opinyon ng iba. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso. Pero sa ngayon gipit ka, wag ka uutang dahil lalong malaking problema ito.

    AQUARIUS

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye. Ang mga tao sa paligid mo ang tunay na nakakita sa pangyayari. Kung mag-iisip ka ng masama laban sa kanila, lalo lang gugulo ang sitwasyon.

    PISCES

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.

    Here is the horoscope for today in the Philippines. Read more about your zodiac sign in Tagalog. Everyday, we publish fresh horoscope just for you.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook