Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 27, 2024

    TAURUS

    Yung mga nalalaman mo na balita, ang iba doon chismis lang. Wag kang magpa-apekto. Basta alam mo ang ginagawa mo ay tama, ituloy mo lang. Hindi mo kailangan ng opinyon nila. Lucky number 5

    GEMINI

    Kahit mahirap, mas ok na kung wala kang kasama. Mas nagiging magulo lang pag iba-iba ang isip ng mga opinyon nila. Pagbutuhin ang iyong ginagawa at darating ang maginhawang buhay. Lucky number 5

    CANCER

    Makikita mo na ang matagal mo nang hinahanap. Ngayon, ingatan mo ito at huwag pabayaang mawala ulit. Minsan lang darating sa buhay mo ang ganyang swerte. Lucky numbers 4, 88

    LEO

    Hindi sapat ang pera mo kaya huwag ka na mag-isip na bilhin ito. Madami pang pagkakataon na darating. Unahin muna ang bills sa bahay.

    VIRGO

    Hindi na talaga magbabago ang ugali niya kaya ikaw na lang ang mag adjust. Mas may isip ka naman kaya unawain mo kung anuman ang sasabihin niyang laban sa iyo. Lucky number 45, 9

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humanap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SCORPIO

    Iba iba ang ugali ng tao at hindi mo sila mapipilit. Kung ayaw nila, ikaw na lang ang tumapos ng mga gawain. Mas mabuti pa ito kaysa magsisihan sa huli. Lucky numbers 1, 9

    SAGITTARIUS

    Ang mga tao sa paligid mo ay hindi natutuwa sa mga kilos mo. Sana nag konsulta ka muna sa isang eksperto para hindi lumala ang problema. Masyado ka rin assuming na akala mo lahat ay ayon sa plano mo. Hintayin mo ang opinyon ng iba. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso. Pero sa ngayon gipit ka, wag ka uutang dahil lalong malaking problema ito.

    AQUARIUS

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.

    PISCES

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye. Ang mga tao sa paligid mo ang tunay na nakakita sa pangyayari. Kung mag-iisip ka ng masama laban sa kanila, lalo lang gugulo ang sitwasyon.


  • September 25, 2024

    TAURUS

    Hindi ka madalas kausapin kasi masungit ka. Kaya minsan, ikaw naman ang mag reach-out sa kanila. Mukha ka rin kasi snob. Pero alam naman natin na hindi di ba? Kaya mas ok kung kakausapin mo sila.

    Ugali ng Taurus

    GEMINI

    Ang pera na naipon mo ay pwede mo nang palaguin, sa maliit na paraan magkakaroon ka ng additional income. Huwag mo pautangin ang taong lalapit sayo. Hindi ka naman babayaran at aawayin ka pa.

    Ugali ng Gemini

    CANCER

    Alam mo ang mangyayari kapag tinuloy mo ang balak mo. Kaya kung ikaw ay sigurado na, wala na tayong magagawa sa desisyon mo. Pero kung yan ay mali, ikaw ang magsa-suffer. Bahala ka.

    Ugali ng Cancer

    LEO

    Pwede ka na mag relax kahit kaunti. Ito ang dapat sa mga taong nagtrabaho ng mabuti. Uminom at kumain ng masasarap. Deserve mo yan. Lucky number 9

    VIRGO

    Kahit na may blessing, malungkot ka pa rin. Be positive dahil hindi naman sa lahat ng oras puro utang ang iisipin mo. Huwag mag-alala, may parating na pera, konti nga lang. Lucky number 5

    LIBRA

    Magtabi kahit kaunti. Huwag mong uubusin ang pera para lang sa luho. May ibang tao na umaasa sayo. Ngayon masusubukan kung gaano ka kagaling mag budget.

    SCORPIO

    Dagdagan mo pa ang sipag at malapit mo na makuha ang goal mo. Huwag kang papatalo sa life. Laban lang.

    SAGITTARIUS

    Di mo pa rin makikita ang mailap ng suwerte. Pero maging thankful dahil nakakarao ka sa araw araw. Huwag pansinin ang mga sinasabi ng iba na wala ka pa nararating sa buhay.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa kanila. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo. Kahit ano pa ang pagkakamali mo, tatanggapin ka pa rin nila.

    AQUARIUS

    Kahit ilang beses mo isipin, talagang risky ang pinapasok mong deal. Huwag kang magpapauto dahil pera lang ang habol nila. Isipin mo ang mga umaasa sayo, baka mawalan ka ng hanapbuhay.

    PISCES

    Kahit na anong gawin mo, talagang hindi mauubos ang problema. Pero maging masaya ka dahil blessed ka pa rin kumpara sa iba. Mas may capacity kang tumulong.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook