Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 19, 2024

    TAURUS

    Minsan kailangan mo rin silang intindihin. Hindi pwedeng puro ikaw na lang ang tama. Ang opinyon nila ay mahalaga rin at pwedeng makatulong sa desisyon mo. Huwag kasyadong mayabang na para bang ikaw ang may kontrol ng lahat.

    GEMINI

    Makikita mo ang taong kinaiinisan mo. Huwag mong kausapin, dahil masisira ang araw mo.

    CANCER

    Kahit ilang beses mo pag-isipan, talagang ikaw ang may mali. Sana, sa susunod ay magbigay ka ng panahon para pakinggan ang paliwanag nila. Hindi sa lahat ng oras ay tama ka.

    LEO

    Ngayon mo masusukat kung talagang loyal siya sa iyo. Hanapin ang mga nakasave na messages. Makikita mo kung ano ang pinagkaiba ng sinabi niya at ginagawa niya.

    VIRGO

    Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

    LIBRA

    Mahirap talagang isipin na hindi pa rin sapat ang suweldo mo. Kung may chance, pwede ka mag set up ng mapagkakakitaan. Alisin muna ang gastusin sa cellphone, hindi mo ikayayaman yan.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Mawawala ang pinakamahalagang bagay na binigay niya. Hindi mo ito mapapalitan ng kahit anong pera. Wag kang gumawa ng bagay na magpapalala sa sitwasyon mo ngayon.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito.

    PISCES

    Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao.


  • September 18, 2024

    TAURUS

    Wala kang magagawa kung yun ang opinyon nila. Mas mabuti na ikaw ang nakakaalam ng totoo. Kung magkamali man sila ng palagay, kasalanan nila yun. Basta ikaw malinis ang iyong kalooban, walang problema. Lucky number: 2

    GEMINI

    Kung gusto mo, ikaw na lang ang gumawa ng lahat para matapos na ang problema. Kaysa aasa ka sa kanila, tatagal lang lalo at wala kayong matatapos. Huwag ka na maghintay na sabihin pa sa iyo ang mga dapat gawin. Lucky number: 7

    CANCER

    Ikaw na rin ang nakaisip ng paraan kaya ituloy mo na ang plano. Hindi mo sila maaasahan kapag dating sa pera. Ngayon, pwede mo na ipakita kung gaano ka kahalaga at hindi dapat pansinin ang negative comments nila.

    LEO

    Minsan mahirap talaga mag move on lalo na sa mahal mo pa sa buhay ito nangyari. Pero makalipas ang ilang araw, matatanggap mo na rin. Ganyan talaga, minsan may malungkot na kabanata ng ating buhay.

    VIRGO

    Alamin mo mabuti kung tama ba ang sinasabi niya. Huwag basta maniwala dahil may balak lang siya na lokohin ka. Kung hindi ka sigurado, huwag ituloy ang plano.

    LIBRA

    Dito sa mundo, mas mahalaga ang pamilya kaysa pera. Oo, may mga oras na maiinis ka sa kanila, pero sila pa rin ang sasalo sa’yo pagdating sa problema.

    SCORPIO

    Hindi mo kailangan magpaka plastik sa kanila. Alam mo naman ang ugali ng bawat isa kaya walang dahilan na magkunwari kang nasisiyahan. Umalis ka na agad kung masyado ka nang argabyado.

    SAGITTARIUS

    Pag dating sa pera, wala kang maaasahan. Matagal pa ang suweldo kaya tipirin ang natitirang pera. Mag-ingat, may gastusin na naman tungkol sa iyong kalusugan.

    CAPRICORN

    Ibahin mo ang bawat tao. Ang isang dadating ang siyang makakatulong sa iyo. Hindi naman lahat ay dapat mong layuan pero dapat kang maging mapanuri kung ano talaga ang motibo nila.

    AQUARIUS

    Hindi mo pa rin nasusunod ang naka plano. Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

    PISCES

    Masakit man sa damdamin pero yun ang totoo. Wala ka pa ring nararating sa buhay. Dalawa lang yan, malas ka o tamad ka.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook