TAURUS
Magiging mahirap ang araw na ito hindi lang sa pera kundi pati sa pag desisyon. Unahin mo muna ang kapakanan ng pamilya bago ang iba.
Lucky number: 2, 5, 9
GEMINI
Kahit ibahin mo ang usapan, ikaw pa rin ang may kasalanan kung bakit nahihirapan ang isang tao. Sana, matuto kang mag sorry para mas gumaan ang pakiramdam niya. Hindi niya deserve ang ginawa mo.
Lucky number: 3, 55
CANCER
Minsan, kahit gaano katagal dadating talaga ang magandang balita. Matagal mo nang hinihintay yan pero dapat maging handa. Dahil madaming aagaw ng atensyon mo. Hindi mo na dapat palagpasin ang chance na ito.
Lucky number: 6
LEO
Kahit hindi mo pa sinasabi, alam na nila kung ano ang problema. Huwag ka masyadong mapagtago ng damdamin. Mahirap kimkimin ang sama ng loob at baka ikaw ay ma stroke.
Lucky number: 6, 8
VIRGO
Dito ka na lang sa lugar kung saan ka comfortable. Hindi mo pa kailangan lumayo dahil masaya pa naman ang pamilya mo. Maaari kang umisip ng ibang paraan para mapagaan ang buhay, negosyo?
Lucky number: 1
LIBRA
Una sa lahat, hindi mo hawak ang tadhana. Talagang darating ang problema. Pero matatag ka kaya pwede mo itong lagpasan sa loob ng ilang araw. Yung mga taong walang naitulong sa iyo ay hindi mo na kailangan kausapin pa.
Lucky number: 7, 8, 99
SCORPIO
Alam mo naman ang sagot sa iyong problema. Pero mas madali sana kung hahanap ka ng makakatulong. Ang nawawal ay pwede mo nang makita at mas magiging masaya ka na sa wakas.
Lucky number: 8
SAGITTARIUS
Huwag mo muna bilhin ang tinatarget mo dahil may emergeny na darating. Ihanda ang budget at huwag gagastos na higit sa kaya. Ikaw ang magiging sanhi ng problema kapag tinuloy ang pagbili.
Lucky number: 6
CAPRICORN
Maaayos mo na ang nangyari kahapon. Ngayon, mas may idea ka na tungkol sa nangyari at pwede ka nang ngumiti. Ang pera na nawala ay maibabalik rin.
Lucky number: 7
AQUARIUS
Hindi mo na kailangan ng tulong. Kahit ikaw pwede mong maresolba ang problema. Basta alam mo na nakasuporta sila sayo, mas ok kung ikaw na lang ang gumawa ng paraan.
Lucky number: 6
PISCES
Ngayon mas maginhawa ang pakiramdam mo. Alam mo na kasi kung ano ang dapat gawin matapos ang failure sa buhay. Mas matalino ka na ngayon at kaya mo na harapin ang problema.
Lucky number: 1
Leave a Reply