Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • January 2, 2025

    Aries

    Hindi ka na natapos sa problema mo. Dadalhin mo pa rin yan sa taong ito. Pero mas magiging masaya ka sa March. Abangan mo ang nakakainis na mangyayari sa pamilya, baka lalo kang ma-stress.

    TAURUS

    Ang mga tao sa iyong paligid ang magpapahamak sa iyo. Huwag basta magtiwala sa kanila. May hindi magandang mangyayari.

    GEMINI

    Minsan mas mabuti pang manahimik na lang. Mas marami kang sinasabi mas maraming gulo ang dala. Huwag mong pabayaan na sila lang ang gumawa dahil hindi sincere ang kanilang balak.

    CANCER

    Madami pang darating na magandang balita. Huwag magpadala sa emosyon dahil misnan lang mangyari ito. Isipin mabuti kung paano palalaguin ang pera.

    LEO

    Sana sumama ka na lang para nakita mo kung ano ang nangyayari. Ngayon at may resulta na, mahirap nang ibalik ang tiwala.

    VIRGO

    Huwag ka mahihiyang magtanong. Mas mabuti na mukha kang walang alam kaysa naman mapahamak ka dahil hindi mo inalam kaagad ang sitwasyon.

    LIBRA

    Tuloy pa rin ang ligaya. Pero dapat mo na rin isipin ang kinabukasan. matanda ka na at dapat responsable na sa pera.

    SCORPIO

    Itapon mo na ang lumang gamit. Nabubulok lang ito at puro alikabok. Maging masinop dahil may darating na mas magandang items para sa iyo.

    SAGITTARIUS

    Hirap na talaga sa buhay ang marami pero wag ka umiyak. May tutulong sa iyo na kapamilya. Unahin mo ang kapakanan nila dahil sila ang tunay na may malasakit.

    CAPRICORN

    Ubusin mo man ang lahat ng pera mo, hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Huwag mo nang ipilit ang hindi pwede. Move on.

    AQUARIUS

    Nawala man ang mahalaga sayo, meron itong kapalit. Abangan lang ang magandang balita na sasabihin ng isang babae.

    PISCES

    Mag exercise ka na para hindi na magkasakit. Kumain ng tama at tigilan ang gadget. May gamot na mahal pero pwede ka bumili ng generics.


  • January 1, 2025

    ARIES

    Wala pa naman ang mga dapat na tutulong sa iyo. Umpisa pa lang ng taon, pero parang may nakaabang na problema. Huwag matakot, ito ang dahilan kung bakit ka nag-“training” noon. Gamitin mo ang lahat ng kaalaman mo.

    TAURUS

    Ito ang taon na dapat ka na makipag-ayos sa kaaway mo. Biglang magbabago ang ugali niya sa pakikitungo sa iyo. Huwag kang magagalit dahil meron syang sariling problema.

    GEMINI

    Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao.

    CANCER

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi. Importante na open ang inyong communication.

    LEO

    Ang unang quarter ng taon na ito ay para sa iyo. Ingatan ang lahat ng blessings at palaguin pa ito. Pero sa bandang kalahati ng taon, may problema na dadating. Kaya mo yan.

    VIRGO

    Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

    LIBRA

    Matulog ng maaga may pasok na naman bukas. Pero kung wala, pwede ka na mag-isip ng bagong source of income. May nahihintay na magandang balita bukas.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis. Mas ok kung hindi mo papansinin ang mga sinasabi ng iba, ang taon na ito ay hindi madali pero kaya mo.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito. Huwag kang magpapadala sa mga matatamis na salita.

    PISCES

    Dito na dapat magsisimula ang pagbangon mo. Madaming naghihintay na opportunities. Pag-ingatan mo ang lahat ng matatanggap na blessings para mas maging masaya ang lahat ng susunod na mga taon.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook