Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 17, 2024

    TAURUS

    Kung ako sayo, mas gagalingan ko ang trabaho dahil may gustong kumuha ng puwesto mo. Huwag mo silang intindihin dahil inggit lang. Ayusin mo lang ang ginagawa mo at di ka mawawala diyan.

    GEMINI

    Simula ngayon, pwede ka nang mag-ipon kahit paunti-unti. Ang savings mo ay hindi na sapat sa iyong karamdaman. Huwag aasa sa iba dahil hindi ka naman nila matutulungan.

    CANCER

    Masakit man isipin pero talagang hindi tutulong sayo ang mga kamag anak mo. Sa ganitong sitwasyon, mas mabuti pang lumapit ka na lang sa ibang tao para matapos ang problema mo.

    LEO

    Hindi pa uulit ang magandang pangyayari sayo last week. Matagal pa ang susunod na financial support kaya magtipid.

    VIRGO

    Paano uusad ang buhay mo kung palagi ka na lang nakikipag argumento. Matuto na makinig sa iba para malaman ang kanilang opinyon. Huwag masyadong mayabang.

    LIBRA

    Sa darating na mga araw, lalo mo makikilala ang ugali niya. Mahirap man tanggapin pero ito ang tunay na kulay niya. Mas mabuting lumayo ka na para hindi kayo magkaroon ng argumento.

    SCORPIO

    Palagi na lang ba ikaw ang nakikita na mali? Alam mo naman sa sarili mo na gusto mo lang tumulong pero minsan, hindi talaga umaayon ang tadhana. Kung lalong naging magulo ang sitwasyon, mag-sorry ka na lang at matatapos na ang problema.

    SAGITTARIUS

    Linisin mo ang kwarto para makita ang nawawalang gamit. Nasa mga sulok lang ito at matagal nang hindi nasisinagan ng araw. Matutuwa ka sa mga mangyayari simula sa tanghali.

    CAPRICORN

    Pwede kang kumain ng marami pero kailagan mong ingatan ang kalusugan. Magpa check up na para hindi lumala ang sakit.

    AQUARIUS

    Madilim ang araw pero may tutulong sayo. Ang mga nawawalang bagay ay mahahanap pero may kapalit ang mga ito. Huwag makipag away sa magulang, sila ang tutulong sa mga nawawalang bagay.

    PISCES

    Isipin mo na lang na mas mabuting hindi na kayo nag-uusap. Walang samaan ng loob at walang kailangan patunayan. Humanap ng ibang kaibigan.


  • September 16, 2024

    TAURUS

    Bakit ka mahihiya? Maging proud ka sa desisyon mo. Ikaw lang ang pwedeng makagawa niyan. Kung sa tingin mo wala nang pag-asa, mas ok na rin na panindigan mo. Wala silang pakialam.

    GEMINI

    Ang pera na naipon mo ay pwede mo nang palaguin, sa maliit na paraan magkakaroon ka ng additional income. Huwag mo pautangin ang taong lalapit sayo.

    CANCER

    Kung sa tingin mo ay makakabuti sa pamilya, ituloy mo na ang plano. Basta ayusin mo ang budgeting at huwag magpapadala sa tukso. Dito masusubok kung ano talaga ang pwede mong magawa.

    LEO

    Pwede ka na mag relax kahit kaunti. Ito ang dapat sa mga taong nagtrabaho ng mabuti. Lucky number 9

    VIRGO

    Kahit na may blessing, malungkot ka pa rin. Be positive dahil hindi naman sa lahat ng oras puro utang ang iisipin mo. Lucky number 5

    LIBRA

    Magtabi kahit kaunti. Huwag mong uubusin ang pera para lang sa luho. May ibang tao na umaasa sayo.

    SCORPIO

    Di mo pa rin makikita ang mailap ng suwerte. Pero maging thankful dahil nakakarao ka sa araw araw. Huwag pansinin ang mga sinasabi ng iba na wala ka pa nararating sa buhay.

    SAGITTARIUS

    Dagdagan mo pa ang sipag at malapit mo na makuha ang goal mo. Huwag kang papatalo sa life. Laban lang.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Kahit ilang beses mo isipin, talagang risky ang pinapasok mong deal. Huwag kang magpapauto dahil pera lang ang habol nila.

    PISCES

    Kahit na anong gawin mo, talagang hindi mauubos ang problema. Pero maging masaya ka dahil blessed ka pa rin kumpara sa iba. Mas may capacity kang tumulong.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook