Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 15, 2024

    TAURUS

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye.

    GEMINI

    Unahin mo ang mga mahal sa buhay lalo na ang pamilya. Ang pera kikitain mo lang ulit yan. Baka pagsisihan mo kapag pamilya ang nawala.

    CANCER

    Ibahin mo naman ang strategy mo. Paulit ulit na lang ang style at hindi na ito nakakatuwa sa iba. Maging observant para mas makilala mo kung ano ang tunay na pagkatao mo.

    LEO

    Hindi mo pa malalaman ang sagot sa iyong kahilingan. Pero pwede ka pa rin maghintay ng ilang araw.

    VIRGO

    Hindi mo na mababawi ang sinabi mo. Dapat next time dahan dahan lang dahil may mga sensitibong tao sa paligid mo.

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humaap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SCORPIO

    Hindi naman niya hinihingi ang buong oras mo. Kahit konting oras lang ng bonding ay sapat na.

    SAGITTARIUS

    Dati mo pa hinihintay ang balitang ito. Ngayon, may sagot na sa wish mo.

    CAPRICORN

    May kakilala ka na humihingi ng tulong. Ikaw ang mad-decide dahil alam mo naman ang ugali niya. Magiging sakit lang ng ulo kapag ito ay tungkol sa pera.

    AQUARIUS

    Isa lang ang iniisip nila sayo, mayabang ka. Pero hindi mo naman ito sinasadya. Alam mo sa sarili mo kung ano ang deserve mo sa buhay kaya relax ka lang.

    PISCES

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.


  • September 14, 2024

    TAURUS

    Huwag kang tatamarin. Ito na ang time mo para tapusin ang mga nabitin na gawain. Maslakas loob na wakasan ang mga paghihirap na ito, para mamaya relax ka na lang di ba? Lucky number: 2

    GEMINI

    Kung gusto mo, ikaw na lang ang gumawa ng lahat para matapos na ang problema. Kaysa aasa ka sa kanila, tatagal lang lalo at wala kayong matatapos. Huwag ka na maghintay na sabihin pa sa iyo ang mga dapat gawin. Lucky number: 7

    CANCER

    Itulo tuloy mo lang yan. Maganda yan sa katawan at health. Pero huwag ka masyadong ma-pressure. Dapat dahan-dahan para sure ang resulta. Ngayon, mas alam mo na ang dapat gawin.

    LEO

    Minsan mahirap talaga mag move on lalo na sa mahal mo pa sa buhay ito nangyari. Pero makalipas ang ilang araw, matatanggap mo na rin. Ganyan talaga, minsan may malungkot na kabanata ng ating buhay.

    VIRGO

    Alamin mo mabuti kung tama ba ang sinasabi niya. Huwag basta maniwala dahil may balak lang siya na lokohin ka. Kung hindi ka sigurado, huwag ituloy ang plano.

    LIBRA

    Dito sa mundo, mas mahalaga ang pamilya kaysa pera. Oo, may mga oras na maiinis ka sa kanila, pero sila pa rin ang sasalo sa’yo pagdating sa problema.

    SCORPIO

    Tumatak na sa isipan mo ang sinabi niya. Pero totoo naman di ba? At alam mo sa sarili mo na tama naman siya. Huwag pairalin masyado ang pride. Mas ok kung ikaw mismo ang makakadiskubre ng mali mo.

    SAGITTARIUS

    Pag dating sa pera, wala kang maaasahan. Matagal pa ang suweldo kaya tipirin ang natitirang pera. Mag-ingat, may gastusin na naman tungkol sa iyong kalusugan.

    CAPRICORN

    Ibahin mo ang bawat tao. Ang isang dadating ang siyang makakatulong sa iyo. Hindi naman lahat ay dapat mong layuan pero dapat kang maging mapanuri kung ano talaga ang motibo nila.

    AQUARIUS

    Hindi mo pa rin nasusunod ang naka plano. Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

    PISCES

    Masakit man sa damdamin pero yun ang totoo. Wala ka pa ring nararating sa buhay. Dalawa lang yan, malas ka o tamad ka.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook