Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 13, 2024

    TAURUS

    Nalaman mo na ang dahilan ng problema mo. Pwede ka na gumawa ng hakbang para hindi na ito lumala. Lucky number 2, 66, 8

    GEMINI

    Ang ugali mo na mapagpintas ang magdadala sayo ng problema. Ikaw na dapat umunawa sa kanila dahil mas matalino ka. Lucky number 5

    CANCER

    Wag mong idadaan sa biro ang lahat. Maraming naaasar sa mga sinasabi mo. Mas mabuting manahimik para hindi sila magalit. Lucky numbers 4, 88

    LEO

    Hindi sapat ang pera mo kaya huwag ka na mag-isip na bilhin ito. Madami pang pagkakataon na darating. Unahin muna ang bills sa bahay.

    VIRGO

    Hindi na talaga magbabago ang ugali niya kaya ikaw na lang ang mag adjust. Mas may isip ka naman kaya unawain mo kung anuman ang sasabihin niyang laban sa iyo. Lucky number 45, 9

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humanap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SCORPIO

    Kahit ikaw ang tama, mas ok na tanggapin mo na lang kung ano ang sinabi niya. Hindi ka naman mapapahiya. Kung sa tingin mo mas importante ang peace of mind, huwag mo na lang sya pansinin. Lucky numbers 1, 9

    SAGITTARIUS

    Ang mga tao sa paligid mo ay hindi natutuwa sa mga kilos mo. Sana ang konsulta ka muna sa isang eksperto para hindi lumala ang problema. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso.

    AQUARIUS

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye.

    PISCES

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.


  • September 8, 2024

    Gusto mo ng personalized horoscope? Ilagay ang first name at birthday mo sa comments below at bibigyan ka namin ng reading.

    TAURUS

    Naging alipin ka na ng kalungkutan. Hindi mo dapat binibigyan pansin ang mga chismis nila. Lalo ka lang madedepress. Mas isipin mo ang pamilya mo at kung paano ka aahon.

    Taurus Profile

    GEMINI

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang paliwanag niya. Importante na open ang inyong communication. Kung gusto mo na magdesisyon at hindi pa siya/sila ready, huwag kang kikilos.

    Mas mabuti na lahat sila ay agree sa gagawin mo.

    Gemini Profile

    CANCER

    Huwag mong maliitin ang binigay sa iyo. Magpasalamat ka at may dumating. Hindi na ito mauulit kaya dapat mong ingatan.

    LEO

    Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi na maibabalik ang tiwala sa iyo. Mas mabuting humanap ka na lang ng ibang makakaintindi sa sitwasyon mo.

    VIRGO

    Talagang minsan mas ok kung wala ka na lang sasabihin. Lalo lang sila nagkakaroon ng idea kung ano ang nasa isip mo. Kaya, mas ok kung itikom ang bibig.

    Ngayon, mas may oras ka na sa pamilya. Huwag mo sila pabayaan.

    LIBRA

    Sa pagkain, hinay hinay lang. May lalabas na sintomas ngayong buwan, kailangan mo na magpa check up.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Ngayon makikita kung talagang matatag ka. Madami ang mga problema pero may pag-asa ka pa rin. Yan ang tamang attitude.

    CAPRICORN

    Gumaganda ang itsura mo ngayon a. Dahil mas marami ka nang abilidad. Mag paghusayan mo ang trabaho para laging maaliwalas ang mukha mo.

    AQUARIUS

    Malapit na mawala ang mga bagay na importante sa iyo. Dahan dahan lang sa mga sinasabi dahil masakit ito sa damdamin. Kung minsan, mas ok pa na manahimik ka na lang.

    PISCES

    Mas masaya kung ishare mo sa iba ang natanggap na blessing. Kahit kaunti lang ito, iba ang mararamdaman nilang kasiyahan kapag ikaw ang nagbigay.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook