Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 6, 2024

    TAURUS

    Malungkot ka na naman. Huwag ka mag-alala dahil may surprise na dadating sa iyo. Pero ingat lang dahil hindi sya masyadong magtatagal. Mas mabuti kung kumilos ka na para ma-prevent ang mas malala pang bagay.

    Kung mahal mo talaga, dapat alagaan mo. Pero huwag masyadong sobra, magtira ng para sa iyo.

    Taurus Profile

    GEMINI

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang paliwanag niya. Importante na open ang inyong communication. Kung gusto mo na magdesisyon at hindi pa siya/sila ready, huwag kang kikilos.

    Mas mabuti na lahat sila ay agree sa gagawin mo.

    Gemini Profile

    CANCER

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi. Importante na open ang inyong communication.

    LEO

    Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi na maibabalik ang tiwala sa iyo. Mas mabuting humanap ka na lang ng ibang makakaintindi sa sitwasyon mo.

    VIRGO

    Lagi na lang ba ganito? Kung iisipin mo dapat masaya ka ngayon dahil sa blessings. Pero bakit parang malingkot ka pa rin? Ito ay dahil sa namimis mo ang mga taong mahalaga sa iyo.

    Para saan pa ang achievements kung wala ka naman maishare.

    LIBRA

    Sa pagkain, hinay hinay lang. May lalabas na sintomas ngayong buwan, kailangan mo na magpa check up.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Ngayon makikita kung talagang matatag ka. Madami ang mga problema pero may pag-asa ka pa rin. Yan ang tamang attitude.

    CAPRICORN

    Mahirap kausapin ang taong sarado ang isip. Ituon na lang ang iyong oras sa sarili para mapabuti pa ang buhay mo. Hindi mo naman siya kailangan sa buhay kung tutuusin.

    AQUARIUS

    Malapit na mawala ang mga bagay na importante sa iyo. Dahan dahan lang sa mga sinasabi dahil masakit ito sa damdamin. Kung minsan, mas ok pa na manahimik ka na lang.

    PISCES

    Mas masaya kung ishare mo sa iba ang natanggap na blessing. Kahit kaunti lang ito, iba ang mararamdaman nilang kasiyahan kapag ikaw ang nagbigay.


  • September 5, 2024

    TAURUS

    Hindi naman pwedeng ikaw lagi ang tama. Alam mo sa sarili mo na may pagkukulang ka rin. Ano ba naman yung pakinggan mo ang opinyon nila. Lucky number: 2

    GEMINI

    Kung gusto mo, ikaw na lang ang gumawa ng lahat para matapos na ang problema. Kaysa aasa ka sa kanila, tatagal lang lalo at wala kayong matatapos. Huwag ka na maghintay na sabihin pa sa iyo ang mga dapat gawin. Lucky number: 7

    CANCER

    Ikaw na rin ang nakaisip ng paraan kaya ituloy mo na ang plano. Hindi mo sila maaasahan kapag dating sa pera. Ngayon, pwede mo na ipakita kung gaano ka kahalaga at hindi dapat pansinin ang negative comments nila.

    LEO

    Minsan mahirap talaga mag move on lalo na sa mahal mo pa sa buhay ito nangyari. Pero makalipas ang ilang araw, matatanggap mo na rin. Ganyan talaga, minsan may malungkot na kabanata ng ating buhay.

    VIRGO

    Alamin mo mabuti kung tama ba ang sinasabi niya. Huwag basta maniwala dahil may balak lang siya na lokohin ka. Kung hindi ka sigurado, huwag ituloy ang plano.

    LIBRA

    Yung problema ng nakaraan huwag mo nang balikan. Dapat mag move-on ka na. Masakit man isipin pero mas OK kung haharapin mo ang buhay ngayon. Maraming tutulong sa’yo.

    SCORPIO

    Hindi mo kailangan magpaka plastik sa kanila. Alam mo naman ang ugali ng bawat isa kaya walang dahilan na magkunwari kang nasisiyahan. Umalis ka na agad kung masyado ka nang argabyado.

    SAGITTARIUS

    Pag dating sa pera, wala kang maaasahan. Matagal pa ang suweldo kaya tipirin ang natitirang pera. Mag-ingat, may gastusin na naman tungkol sa iyong kalusugan.

    CAPRICORN

    Ibahin mo ang bawat tao. Ang isang dadating ang siyang makakatulong sa iyo. Hindi naman lahat ay dapat mong layuan pero dapat kang maging mapanuri kung ano talaga ang motibo nila.

    AQUARIUS

    Hindi mo pa rin nasusunod ang naka plano. Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

    PISCES

    Magsisimula na ulit ang pagbangon mo. Alam mo na ang mga dapat gawin para makabawi. Ito na ang simula para lalo ka pang tumatag sa mga problema.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook