Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • September 3, 2024

    TAURUS

    Magalit ka man o hindi, itutuloy pa rin nila ang plano. Mas mabuti na umiwas ka na lang sa kanila kung di sila interesado sa feelings mo.

    GEMINI

    Kung hindi ka pa rin namumulat sa katotohanan, lalo ka lang magkakaroon ng problema. Habang maaga, alamin mo na ang tunay na nangyari. Lucky number: 7

    CANCER

    Hindi mo pa malalaman ang sagot sa iyong kahilingan. Pero pwede ka pa rin maghintay ng ilang araw.

    LEO

    Ibahin mo naman ang strategy mo. Paulit ulit na lang ang style at hindi na ito nakakatuwa sa iba. Maging observant para mas makilala mo kung ano ang tunay na pagkatao mo.

    VIRGO

    May kakilala ka na humihingi ng tulong. Ikaw ang mad-decide dahil alam mo naman ang ugali niya. Magiging sakit lang ng ulo kapag ito ay tungkol sa pera

    LIBRA

    Darating din and panahon na hihingi ka ng tulong. Huwag masyadong ma pride at mayabang. Lahat ng tao ay kailangan na may ka-partner para mas madali ang pamumuhay.

    SCORPIO

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humaap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SAGITTARIUS

    Hindi mo pa rin nasusunod ang naka plano. Kung palaging ganyan, wala kang mararating sa mga pangarap mo. Wala kang sense of urgency kaya palaging late.

    CAPRICORN

    Masakit man sa damdamin pero yun ang totoo. Wala ka pa ring nararating sa buhay. Dalawa lang yan, malas ka o tamad ka.

    AQUARIUS

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso.

    PISCES

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye.


  • September 1, 2024

    TAURUS

    Huwag masyadong pabida. Makakahanap ka ng katapat mo. Mas maging mahinahon sa pakikipag usap sa mga tao.

    GEMINI

    Ipakita mo sa kanila kung gaano ka kagaling. Ngayon, malalaman na nila na hindi ka pwedeng balewalain. Importante na magkaroon sila ng limit kung paano sila makitungo sa iyo.

    CANCER

    Minsan talaga mapapaisip ka kung bakit ka pinaparusahan. Pero tandaan mo na may katapusan din ang mga ito. Mas magandang hindi mawalan ng pag-asa dahil laging nasa huli ang magandang resulta.

    LEO

    Piliin mo na huwag gumastos sa mga mamahaling bagay. Ikaw na rin ang nakakaalam kung bakit wala ka na masyadong naiipon.

    VIRGO

    Ang mga tao sa paligid mo ang tutulong para hindi mo na maranasan ang lungkot. Pwede kayong mag bonding ngayon at magkumustahan. Huwag muna gagamit ng cellphones para mas maintindihan ang mga nararamdaman.

    LIBRA

    Gagastos ka na naman. Walang katapusan na yan. Dapat kasi magkaroon ka ng emergency fund. Kung kulang pa rin, humanap ng new sideline.

    SCORPIO

    Mag message sa isang classmate na matagal mo nang hindi nakakausap. May naka abang ng magandang balita para sa’yo. Iwasan lang na makipag usap ng matagal dahil mauubos ang oras mo at mawawala ang magandang balita.

    SAGITTARIUS

    Hindi pa tapos ang problema pero may kapalit na maayos na kalagayan ng iyong pamilya. Magpasalamat at ito ay tatagal ng isang taon.

    CAPRICORN

    Madalas ka naman may nararamdaman na masakit. Pumunta sa doktor at itanong kung ano ang dahilan.

    AQUARIUS

    Ang pera mo ay mas lalago sa isang maliit na negosyo. Huwag mong hintayin na maubos pa ito. Mas mabuting mag-invest na ngayon.

    PISCES

    Hindi magandang ugali ang pinakita mo. Masyado ka nang mataas at mayabang. Maging humble dahil tinulungan ka rin ng iba para marating mo ang kinalalagyan mo.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook