Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • August 31, 2024

    TAURUS

    Piliin na maging mabuti sa kapwa. Huwag husgahan ang tao base sa kanyang itsura. Kapag nagkamali ka, mabibilang ka rin sa kanila. Lucky number: 5, 8

    GEMINI

    Pwede ka na ulit gumastos kahit paunti unti. Dadating na ang inaasahan mong pera. Tipirin ito hangga’t kaya. Naranasan mo na ang paghihirap kaya mas maging matalino ka na. Lucky number: 44, 67

    CANCER

    Huwag masyadong maniwala sa chismis. Ikaw naman ang susunod na pg-uusapan nila kapag wala ka. Ganyan talaga ang mga marites, makikialam sa buhay mo. Lucky number: 8, 2, 12

    LEO

    Piliin mo na huwag gumastos sa mga mamahaling bagay. Ikaw na rin ang nakakaalam kung bakit wala ka na masyadong naiipon. Lucky number: 6, 7, 8 23

    VIRGO

    Ang mga tao sa paligid mo ang tutulong para hindi mo na maranasan ang lungkot. Pwede kayong mag bonding ngayon at magkumustahan. Huwag muna gagamit ng cellphones para mas maintindihan ang mga nararamdaman. Lucky number: 7, 4

    LIBRA

    Mahirap ang magkimkim ng sama ng loob. Ito ay magbibigay sa’yo lalo ng kalungkutan. Kung alam mong ikaw ang may sala, huwag mo na patagalin at mag sorry. Lucky number: 55, 7, 90

    SCORPIO

    Mag message sa isang classmate na matagal mo nang hindi nakakausap. May naka abang na magandang balita para sa’yo. Iwasan lang na makipag usap ng matagal dahil mauubos ang oras mo at mawawala ang magandang balita. Lucky number: 43, 65

    SAGITTARIUS

    Hindi pa tapos ang problema pero may kapalit na maayos na kalagayan ng iyong pamilya. Magpasalamat at ito ay tatagal ng isang taon. Lucky number: 1, 45

    CAPRICORN

    Madalas ka naman may nararamdaman na masakit. Pumunta sa doktor at itanong kung ano ang dahilan. Lucky number: 78 43 65, 77, 7

    AQUARIUS

    Ang pera mo ay mas lalago sa isang maliit na negosyo. Huwag mong hintayin na maubos pa ito. Mas mabuting mag-invest na ngayon. Lucky number: 8

    PISCES

    Hindi magandang ugali ang pinakita mo. Masyado ka nang mataas at mayabang. Maging humble dahil tinulungan ka rin ng iba para marating mo ang kinalalagyan mo. Lucky number: 66

    Ang HoroscopePhilippines ay nagbibigay ng fresh Tagalog horoscope araw- araw. Bisitahin kami para sa iyong bagong reading anuman ang zodiac sign mo.


  • August 30, 2024

    TAURUS

    Matuto ka naman magpasalamat. Hindi naman lahat ay may kayang bumili ng mahal. Mas maganda yung alam mong may value ka sa kanya.

    GEMINI

    Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao. Ang mahalaga ay nalaman mo na ang totoo. Lucky number 5, 12

    CANCER

    Sa ngayon, pwede ka muna magpahinga. Enjoy muna para mas ganahan ka magtrabaho. Kumain ng masarap at i-treat ang sarili. Kaya mo yan.

    LEO

    Bihira ang taong tapat pagdating sa pera. Mas maayos siyang kausap kaysa sa isa pang kamag anak.

    VIRGO

    Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.

    LIBRA

    Matulog ng maaga, may nahihintay na magandang balita bukas.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba. Lucky number: 8, 7

    SAGITTARIUS

    Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis. Hindi mo kailangan ng stress, ayusin ang pamilya mo at pumili ng paraan para magka negosyo. Lucky number 5

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Dati kapag wala kang pera, alam mo na may dadating naman. Pero mahirap na ngayon, parang hindi ibabalik ang inutang sa’yo.

    PISCES

    Makikita mo ang taong kinaiinisan mo. Huwag mong kausapin, dahil masisira ang araw mo.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook