Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • December 28, 2024

    TAURUS

    Nalaman mo na ang dahilan ng problema mo. Pwede ka na gumawa ng hakbang para hindi na ito lumala. Hindi mo rin sila masisisi dahil may pagkukulang ka rin. Hayaan mo muna lumipas ang mga araw at gawin mo ang nararapat. Lucky number 2, 66, 8

    GEMINI

    Ang ugali mo na mapagpintas ang magdadala sayo ng problema. Ikaw na dapat umunawa sa kanila dahil mas matalino ka. Lucky number 5

    CANCER

    Wag mong idadaan sa biro ang lahat. Maraming naaasar sa mga sinasabi mo. Mas mabuting manahimik para hindi sila magalit. Ang mga bagay na importante sa kanila ay maaaring hindi importante sa iyo. Lucky numbers 4, 88

    LEO

    Hindi sapat ang pera mo kaya huwag ka na mag-isip na bilhin ito. Madami pang pagkakataon na darating. Unahin muna ang bills sa bahay.

    VIRGO

    Hindi na talaga magbabago ang ugali niya kaya ikaw na lang ang mag adjust. Mas may isip ka naman kaya unawain mo kung anuman ang sasabihin niyang laban sa iyo. Lucky number 45, 9

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humanap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SCORPIO

    Kahit ikaw ang tama, mas ok na tanggapin mo na lang kung ano ang sinabi niya. Hindi ka naman mapapahiya. Kung sa tingin mo mas importante ang peace of mind, huwag mo na lang sya pansinin. Lucky numbers 1, 9

    SAGITTARIUS

    Ang mga tao sa paligid mo ay hindi natutuwa sa mga kilos mo. Sana nag konsulta ka muna sa isang eksperto para hindi lumala ang problema. Masyado ka rin assuming na akala mo lahat ay ayon sa plano mo. Hintayin mo ang opinyon ng iba. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso. Pero sa ngayon gipit ka, wag ka uutang dahil lalong malaking problema ito.

    AQUARIUS

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye. Ang mga tao sa paligid mo ang tunay na nakakita sa pangyayari. Kung mag-iisip ka ng masama laban sa kanila, lalo lang gugulo ang sitwasyon.

    PISCES

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.


  • December 24, 2024

    TAURUS

    Bakit ka mahihiya? Maging proud ka sa desisyon mo. Ikaw lang ang pwedeng makagawa niyan. Kung sa tingin mo wala nang pag-asa, mas ok na rin na panindigan mo. Wala silang pakialam.

    GEMINI

    Ang pera na naipon mo ay pwede mo nang palaguin, sa maliit na paraan magkakaroon ka ng additional income. Huwag mo pautangin ang taong lalapit sayo.

    CANCER

    Kung sa tingin mo ay makakabuti sa pamilya, ituloy mo na ang plano. Basta ayusin mo ang budgeting at huwag magpapadala sa tukso. Dito masusubok kung ano talaga ang pwede mong magawa.

    LEO

    Pwede ka na mag relax kahit kaunti. Ito ang dapat sa mga taong nagtrabaho ng mabuti. Lucky number 9

    VIRGO

    Kahit na may blessing, malungkot ka pa rin. Be positive dahil hindi naman sa lahat ng oras puro utang ang iisipin mo. Lucky number 5

    LIBRA

    Magtabi kahit kaunti. Huwag mong uubusin ang pera para lang sa luho. May ibang tao na umaasa sayo.

    SCORPIO

    Di mo pa rin makikita ang mailap ng suwerte. Pero maging thankful dahil nakakarao ka sa araw araw. Huwag pansinin ang mga sinasabi ng iba na wala ka pa nararating sa buhay.

    SAGITTARIUS

    Dagdagan mo pa ang sipag at malapit mo na makuha ang goal mo. Huwag kang papatalo sa life. Laban lang.

    CAPRICORN

    Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.

    AQUARIUS

    Kahit ilang beses mo isipin, talagang risky ang pinapasok mong deal. Huwag kang magpapauto dahil pera lang ang habol nila.

    PISCES

    Kahit na anong gawin mo, talagang hindi mauubos ang problema. Pero maging masaya ka dahil blessed ka pa rin kumpara sa iba. Mas may capacity kang tumulong.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook