Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • August 11, 2024

    Bukas, may bagong reading ulit para sa’yo.

    TAURUS

    Ang mga nararamdaman mo ay valid naman. Pero kung palagi ka na lang galit, baka dumami ang wrinkles mo. Hayaan mo lang sila at huwag magpaka stress. Mas masarap matulog kapag relaxed ka lang. Lucky number 10

    GEMINI

    Kaya lagi kang niloloko dahil mapagbigay ka. Alam nila ang weakness mo pero hindi naman masama ang tumulong. Lagyan mo lang ng limitasyon. Lucky number 2

    CANCER

    Wag ka na magalit. Mas maganda kung pagbigyan mo na lang ang gusto nila. Hindi naman ito magiging problema basta wag ka lang papa-abuso. Lucky numbers 9

    LEO

    Masarap pakinggan kapag nag sorry. Kaya kung kasalanan mo naman, mag sorry ka na para hindi na sumama ang loob niya. Alam mo naman na ikaw ang mali kaya dapat, huwag ka masyadong mayabang. Lucky number 5

    VIRGO

    Ang color red ay magiging masuwerte para sayo. Pero ingat ka rin dahiul senyales din ito ng isang parating na problema. Joke ba it? Hindi natin alam, pero ingat lagi sa byahe. Lucky number 56

    LIBRA

    Matanda ka na. Huwag mo na ipagpilitan ang sarili sa mas bata dahil iba ang kaisipan nila. Mas ok kung ikaw mismo may sariling solusyon sa problema. Kung nawawala, hanapin. Kung walang pag-asa, tanggapin.

    SCORPIO

    Sumasakit na naman ba? Ganyan talaga, di natin maiiwasan ang health problems. Dapat mas maging maayos ka kausap para alam ng mga tao ang nararamdaman mo.

    SAGITTARIUS

    Ulit ulit lang. Lagi mo na lang ginagawa ang nagbibigay sayo ng problema. Umayos ka naman, madaming umaasa sayo. Lucky numbers 10, 67

    CAPRICORN

    Hindi pa tapos ang problema pero maganda ang magiging araw mo. Dahil dyan, pa burger ka. Konting panahon na lang at mawawala na ang sakit ng ulo mo.

    AQUARIUS

    Iiyak ka ba o tatawa na lang? Kasalanan mo pero parang joke lang di ba? Ganyan talaga ang buhay, tawanan mo na lang libre naman yun.

    PISCES

    Hindi naman, pero may mararamdaman kang parating na problema. Ang maganda ay mas handa ka na ngayon dahil nangyari na yan noon. Uminom ka na lang ng relaxing na inumin, o wag masyadong magpakalasing ha.

    Photo by Greg Rakozy on Unsplash

    Here is the horoscope for today in the Philippines. Read more about your zodiac sign in Tagalog. Everyday, we publish fresh horoscope just for you.


  • August 10, 2024

    TAURUS

    Hindi naman masama kung pagbibigyan mo sila. Minsan lang naman yan. mas masarap sa pakiramdam na napasaya mo sila kahit saglit lang. Wag ka mag-alala mababalik din sa iyo ang mga nagastos. Lucky number 5

    GEMINI

    Malalaman natin sa mga susunod na araw kung totoo ang sinasabi niya. Malungkot man ang balita, dapat itong harapin. Mas mabuti na yung handa ang kalooban mo. Lucky number 23

    CANCER

    Nakita mo na ba ang hinahanap mo? Ito ang magiging dahilan ng masayang araw mo. Lucky numbers 4, 88

    LEO

    May mga bayarin na naman. Hindi talaga yan matatapos. Mas mabuti na maghanap ka pa ng ibang sideline para madagdagan ang kita.

    VIRGO

    Masarap sa pakiramdam di ba? Ipagpatuloy mo lang yan at mas maraming matutuwa sayo. Pero dahan dahan din sa pagtulong, alam mo naman ang mga tao, yung iba abusado. Lucky number 45, 9

    LIBRA

    Masakit talaga. Pero dapat mo itong palipasin at tanggapin. Ayaw natin lahat ng problema pero lilipas din yan.

    SCORPIO

    Ilan sa mga kapamilya mo ang kagalit mo? Huwag ganun, magpatawad ka para mas magaan ang loob mo. Malapit na ang pasko, may regalo kang matatanggap. Lucky numbers 1, 3

    SAGITTARIUS

    Kung ayaw mo edi wag. Wala naman pumipilit sayo. Ang importante ay pare pareho kayong masaya sa nangyayari. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Manood ka ng video at malalaman mo kung ano ang sinasabi niya. Late ka na sa balita, dapat aware ka rin sa paligid.

    AQUARIUS

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.

    PISCES

    Ang isang gawain ay dapat tinatapos ng masaya. Huwag ka papaapekto sa stress lalo ka lang tatamarin. Tapusin mo ang sinimulan at maging productive.

    Photo by Greg Rakozy on Unsplash

    Here is the horoscope for today in the Philippines. Read more about your zodiac sign in Tagalog. Everyday, we publish fresh horoscope just for you.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook