Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • December 5, 2024

    TAURUS

    Ipagpawalang bahal mo na lang ang mga sinasabi nila. Mas alam mo kung ano ang makakabuti sayo. Huwag mo hayaan na maging sagabal sila sa plano mo.

    GEMINI

    Minsan, mas gusto mo talagang mag isa para makapag isip. Ito ang tamang oras para mag desisyon kung saan mapupunta ang pera mo.

    CANCER

    Ang lucky numbers mo ay 10, 21 at 8. Ikaw na ang bahalang gumamit ng mga numbers na yan para mas lalong gumanda ang buhay mo.

    LEO

    Ito ang araw na magbibigay sayo ng kasiyahan. Pero huwag kang kampante masyado dahil dadating din ang mga problema next week. Hayaan mo munang mag enjoy ang lahat at iyong sarili.

    VIRGO

    Kahit nabigo ka sa plano mo, may ibang araw pa naman. Huwag ka lang aasa sa iba para hindi ka magsisi. Minsan, sila pa ang sisira sa mga naisip mong paraan para umasenso.

    LIBRA

    Isipin mo na lang na makakatulong ka kapag kinausap mo sya. Huwag masyadong madamot sa impormasyon.

    SCORPIO

    Mainit pa rin ang panahon. Pero dapat mo nang bigay ng panahon ang sarili mo. Huwag kang pagtipid pagdating sa relaxation.

    SAGITTARIUS

    Unahan mo na ang malas. Huwag kang gagamit ng bagay na hindi ka nagpapaalam sa may-ari.

    CAPRICORN

    Blanko ka pa rin kung sino ang may sala. Huwag kang magbintang ng kawpa dahil babalik din sa iyo ang hinala.

    AQUARIUS

    Lagpas sa ipon mo ang pinapangarap mo. Magtiis muna at balang araw mabibili mo rin yan.

    PISCES

    Kahit ilang beses mo isipin, mali pa rin ang ginawa mo. Sana nagpatawad ka na lang. Ang mga tao sa iyong trabaho ay walang maitutulong sayo. Mas maganda kung pagsikapan mo ang pera.


  • December 3, 2024

    Gusto mo ng personalized horoscope? Ilagay ang first name at birthday mo sa comments below at bibigyan ka namin ng reading.

    TAURUS

    Hindi naman masama ang mangarap, pero yung iniisip mo kailangan ng matinding gawa para matupad. Kung mabuti ang relasyon mo sa pamilya, matutulungan ka nila. Pero kung may atraso ka, panahon na para mag-sorry at ayusin ang problema.

    Taurus Profile

    GEMINI

    Magagalit siya sa iyo kung hindi mo pakikinggan ang paliwanag niya. Importante na open ang inyong communication. Kung gusto mo na magdesisyon at hindi pa siya/sila ready, huwag kang kikilos.

    Mas mabuti na lahat sila ay agree sa gagawin mo.

    Gemini Profile

    CANCER

    Huwag mong maliitin ang binigay sa iyo. Magpasalamat ka at may dumating. Hindi na ito mauulit kaya dapat mong ingatan.

    LEO

    Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi na maibabalik ang tiwala sa iyo. Mas mabuting humanap ka na lang ng ibang makakaintindi sa sitwasyon mo.

    VIRGO

    Talagang minsan mas ok kung wala ka na lang sasabihin. Lalo lang sila nagkakaroon ng idea kung ano ang nasa isip mo. Kaya, mas ok kung itikom ang bibig.

    Ngayon, mas may oras ka na sa pamilya. Huwag mo sila pabayaan.

    LIBRA

    Sa pagkain, hinay hinay lang. May lalabas na sintomas ngayong buwan, kailangan mo na magpa check up.

    SCORPIO

    Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.

    SAGITTARIUS

    Ngayon makikita kung talagang matatag ka. Madami ang mga problema pero may pag-asa ka pa rin. Yan ang tamang attitude.

    CAPRICORN

    Gumaganda ang itsura mo ngayon a. Dahil mas marami ka nang abilidad. Mag paghusayan mo ang trabaho para laging maaliwalas ang mukha mo.

    AQUARIUS

    Malapit na mawala ang mga bagay na importante sa iyo. Dahan dahan lang sa mga sinasabi dahil masakit ito sa damdamin. Kung minsan, mas ok pa na manahimik ka na lang.

    PISCES

    Mas masaya kung ishare mo sa iba ang natanggap na blessing. Kahit kaunti lang ito, iba ang mararamdaman nilang kasiyahan kapag ikaw ang nagbigay.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook