Skip to content
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

  • About
  • Privacy Policy
  • Contact

Horoscope for Today Philippines

Aries Libra Taurus Gemini Pisces


  • November 20, 2024

    TAURUS

    Nalaman mo na ang dahilan ng problema mo. Pwede ka na gumawa ng hakbang para hindi na ito lumala. Hindi mo rin sila masisisi dahil may pagkukulang ka rin. Hayaan mo muna lumipas ang mga araw at gawin mo ang nararapat. Lucky number 2, 66, 8

    GEMINI

    Ang ugali mo na mapagpintas ang magdadala sayo ng problema. Ikaw na dapat umunawa sa kanila dahil mas matalino ka. Lucky number 5

    CANCER

    Wag mong idadaan sa biro ang lahat. Maraming naaasar sa mga sinasabi mo. Mas mabuting manahimik para hindi sila magalit. Ang mga bagay na importante sa kanila ay maaaring hindi importante sa iyo. Lucky numbers 4, 88

    LEO

    Hindi sapat ang pera mo kaya huwag ka na mag-isip na bilhin ito. Madami pang pagkakataon na darating. Unahin muna ang bills sa bahay.

    VIRGO

    Hindi na talaga magbabago ang ugali niya kaya ikaw na lang ang mag adjust. Mas may isip ka naman kaya unawain mo kung anuman ang sasabihin niyang laban sa iyo. Lucky number 45, 9

    LIBRA

    Ang umasa sa iba ay hindi senyales ng kahinaan. Sadyang mahirap lang talaga ang buhay mo sa ngayon. Humanap ng iba pang paraan para sa problema mo.

    SCORPIO

    Kahit ikaw ang tama, mas ok na tanggapin mo na lang kung ano ang sinabi niya. Hindi ka naman mapapahiya. Kung sa tingin mo mas importante ang peace of mind, huwag mo na lang sya pansinin. Lucky numbers 1, 9

    SAGITTARIUS

    Ang mga tao sa paligid mo ay hindi natutuwa sa mga kilos mo. Sana nag konsulta ka muna sa isang eksperto para hindi lumala ang problema. Masyado ka rin assuming na akala mo lahat ay ayon sa plano mo. Hintayin mo ang opinyon ng iba. Lucky numbers, 4, 66

    CAPRICORN

    Alamin kung paano magpalago ng pera. Ito na ang chance mo na umasenso. Pero sa ngayon gipit ka, wag ka uutang dahil lalong malaking problema ito.

    AQUARIUS

    Huwag basta maniwala sa mga sinasabi nila. Ito ang dahilan kung bakit madaming napapahamak. Suriin mabuti kung totoo ang mga detalye. Ang mga tao sa paligid mo ang tunay na nakakita sa pangyayari. Kung mag-iisip ka ng masama laban sa kanila, lalo lang gugulo ang sitwasyon.

    PISCES

    Laging isipin na may tutulong sayo kahit ano pa ang problema mo. Kahit na sa tingin mo ay kaya mo itong lagpasan, pwede ka pa rin humngi ng advice.


  • November 18, 2024

    TAURUS

    Huwag ituloy ang plano. Mapapahamak ka lang. Kahit sabihin mo ang totoo, magagalit pa rin sila. Kaya mas mabuti na manahimik na lang para wala nang intriga.

    GEMINI

    Tumingin mamaya sa langit at isipin mong may gumagabay sayo. Ang lahat ng problema ay pwede mong tapusin kung mag concentrate ka sa positive vibes.

    CANCER

    Nawawala ang gadget mo pero pwede mo na itong palitan. Mag ipon ng konti at bumili ng mura. Kaysa naman tuluyan yang masira o manakaw.

    LEO

    Hindi mo makikita ang kasiyahan sa buhay kung lagi kang galit. Iwasan ang mga taong nagbibigay sayo ng stress.

    VIRGO

    Matulog nang maaga para mas maaga matapos ang trabaho bukas. Palagi na lang wala kang gana kahit na ikaw ay blessed naman kumpara sa iba.

    LIBRA

    Ang mga tao sa paligid mo ang pwedeng magbigay ng payo tungkol sa iyong problema. Bakit hindi mo sila tanungin at humingi ng tulong? Sigurado may magagawa silang paraan.

    SCORPIO

    Hindi titigil ang problerma mo kung hindi ka magtitipid. Lagi na lang pera ang dahilan ng iyong stress. Matutong magtabi ng pera para sa emergency.

    SAGITTARIUS

    Madali lang naman ang magbigay kung meron ka rin maibibigay. Ngunit ngayon ay kapos talaga sa pera kaya huwag munang magpautang.

    CAPRICORN

    Ang problema mo ay solved kung kakain ka nang tama. Huwag masyadong matakaw dahil magkakasakit ka na. Ugaliin na magtanong sa pamilya kung ano ang tingin nila sa iyong health.

    AQUARIUS

    Dadalhin mo sa mga susunod na araw ang galit na yan. Patawarin mo na sila sa mga pagkakamali nila. Hindi rin mabuti na palagi kang stressed.

    PISCES

    Lagi ka na lang malungkot kapag naaalala mo ang nakaraan. Mag move on ka na para mas maging makabuluhan ang gawain sa buhay. Wala na ang sakit pero ikaw ay mas matatag na ngayon.

Ang Pinoy Horoscope readings para sa’yo ay available na araw-araw. Bumisita sa aming site para sa pinakabagong Tagalog Horoscope readings.

Gusto mo ba ng personalized reading? Ilagay ang first name at zodiac sign mo sa comments section.

Previous Days

  • January 25, 2025
  • January 13, 2025
  • January 4, 2024
  • January 3, 2024
  • January 2, 2025
logo of horoscope philippines

Horoscope Philippines

Your Daily Tagalog Horoscope

About

  • Team
  • History
  • Careers

Privacy

  • Privacy Policy
  • Terms and Conditions
  • Contact Us

Social

  • Facebook