TAURUS
Makikita mo ang taong kinaiinisan mo. Huwag mong kausapin, dahil masisira ang araw mo.
GEMINI
Madami ka nang problema. Huwag na itong dagdagan pa dahil lang sa chismis. Kung ang pakay mo ay kumuha ng impormasyon, pwede mo basahin sa Facebook niya.
CANCER
Paano mo natitiis na hindi umamin? Sana, sa susunod ay magbigay ka ng panahon para pakinggan ang paliwanag nila. Hindi sa lahat ng oras ay tama ka.
LEO
Pwede naman na ikaw na ang umayos ng problema ng pamilya. Tutal mas marami kang alam kaya pwede mo na sabihin ang plano mo. Hindi matatapos yan kung hindi ka kikibo.
VIRGO
Mauubos na ang budget mo sa kakapili ng damit. Sana ibinili mo na lang ng pagkain. Huwag mo na rin pag aksayahan ng pera ang gadget, mananakaw lang yan.
LIBRA
Talaga naman na blessed ka pa rin kahit papaano. Ito ang tamang panahon na maging thankful ka. Yung iba nga diyan ubos talaga ang pera. Ikaw kahit papaano pwede ka pa rin makabawi.
SCORPIO
Mas maganda kung pipiliin ang kulay pula. Bagay ito sa pagkatao mo. Pero pwede ka rin kumuha ng iba’t ibang kulay para ipamigay sa iba.
SAGITTARIUS
Mawawala ang pinakamahalagang bagay na binigay niya. Hindi mo ito mapapalitan ng kahit anong pera. Wag kang gumawa ng bagay na magpapalala sa sitwasyon mo ngayon.
CAPRICORN
Mag makabuluhan ang pakikipag usap mo sa magulang. Sila ang mas makakaintindi sa problema mo.
AQUARIUS
Mas mabuti na isekreto mo na lang ang nakita mo. Hindi na ito dapat ipaalam pa sa ibang tao. Higpitan ang hawak sa iyong gamit. May nagkakainteres na nakawin ito.
PISCES
Ngayon malapit na matupad yung minimithi mo. Pero careful ka lang at magplano mabuti. Ito na ang magiging paraan para makabawi ka. Nakakainis naman talaga ang mga nagdaan na buwan. Ngayon, pwede ka na ulit umahon.